Kapatid ni Chie Filomeno, pinagtanggol ang kapatid sa mga pambabatikos

Kapatid ni Chie Filomeno, pinagtanggol ang kapatid sa mga pambabatikos

- Matapos ang pagkaka-nominate kay Chie Filomeno para mapalabas sa 'Pinoy Big Brother', marami ang bumatikos sa kanya

- Naging usap-usapan din ang sinabing dahilan ni Madam Inutz kung bakit niya binigyan ng dalawang puntos si Chie

- Aniya, puro pagpapaganda at walang naiaambag si Chie sa kanila sa loob ng bahay kaya ready na siyang lumabas

- Inisa-isa ng kanyang kapatid ang mga nagawa ni Chie sa kanyang pamamalagi sa loob ng PBB house

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa kapatid ni Chie Filomeno, unfair ang mga pambabatikos at judgement sa kanyang kapatid kasunod ng pagkakanominate nito bilang isa sa posibleng maging evictee sa mga housemates sa Pinoy Big Brother.

Kapatid ni Chie Filomeno, pinagtanggol ang kapatid sa mga pambabatikos
Chie Filomeno (photo from Instagram: chiefilomeno)
Source: Instagram

Aniya, taliwas sa mga panghuhusga sa kanyang kapatid, hardworking daw ito at palaging iniisip ang kapakanan ng iba.

My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person. Wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. Started being a breadwinner at a very young age and has faced a lot of false accusations but still remained to see the good in them.

Read also

Boy Abunda, masaya para kay Kris Aquino kaugnay sa engagement nito

Nabanggit niya rin na kapwa babae pa ng kapatid niya ang-bobody shame sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

My sister is still facing cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is. Cyber bullying just became a trend to them to join in the bandwagon of hating someone. All they have is yung mga false accusations nila and napaka unfair ng judgement nila. Ang masama din dito KAPWA BABAE pa nag bobody shame and nag spread ng misogyny about her.

Inisa-isa nito ang mga nagawa ng kapatid, taliwas sa sinabi ni Madam Inutz na wala itong naiaambag.

1st week: Choreographer ng play.

2nd week: Yung team nila nila Aly ang naglalagay ng blocks lagi, never kong nakita tumunganga si Chie magkuskos ng kahoy.

Read also

Beks Battalion, sumabak sa intense acting workshop kay Maricel Sorianos

3rd week: task leader, arranged the sched of 300 orders alongside with Eian and Alexa, made the Ramen, PLUS they won this weekly task.

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng pagkanilang pagbabati.

Kamakailan ay naging kontrobersiyal ang tanong ni Chie kung paano kainin ang ulo ng tuyo. Naging usap-usapan na ang pag-nominate ni Madam Inutz kay Chie kamakailan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel