Sachzna Laparan, ipina-Tulfo ang umano'y nagpakilalang pulis sa kanyang viral video

Sachzna Laparan, ipina-Tulfo ang umano'y nagpakilalang pulis sa kanyang viral video

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Sachzna Laparan kaugnay sa viral video kamakailan na kinasasangkutan umano ng nakaalitang pulis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Idinetalye ni Sachzna at ng kanyang ina na si Christine ang pangyayari na labis nilang ikinagulat gayung wala raw silang ginawang masama sa nagpakilalang pulis

- Samantala, nakipag-ugnayan na sa NCRPO si Tulfo upang mas mapadali ang pagkakakilanlan ng pulis

- Gayunpaman, bukas din ang tanggapan ni Tulfo para sa panig ng nagpakilalang pulisya

Sumangguni na ang vlogger na si Sachzna Laparan sa programa ni Raffy Tulfo kaugnay sa kontrobersyal na viral video niya kung saan isang nagpakilalang pulis ang nakaalitan nila sa isang restaurant.

Nalaman ng KAMI na nagsimula lamang umano ito sa maayos na pakiusap ng manager ng restaurant na lumipat ang nagpakilalang pulis at kasama nito gayung naipareserba na nina Sachzna ang mesang naupuan nila.

Read also

MC Muah, na-trauma tuwing nagdiriwang ng birthday: "Baka may mangyari na namang masama"

Sachzna Laparan, ipina-Tulfo ang umano'y nagpakilalang pulis sa kanyang viral video
Sachzna Laparan (@sachzna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon na raw nagsimulang magbitiw ng mga hindi kaaya-ayang salita ang pulis kabilang na ang paglalabas ng bundle ng pera kasabay ang pagsasabi ng mga nakakainsultong pananalita.

"Bibilhin daw po ako, pati po 'yung mga inorder po namin babayaran na daw po nila," paglalahad ni Sachzna.

Ayaw pa raw sanang i-video ni Sachzna ang pangyayari subalit nais lamang niya itong ibahagi para sa kaalaman ng publiko lalo na at nagpakilalang pulis ang lalake.

Nakipag-ugnayan na si Tulfo kay NCRPO chief Vicente Danao upang makumpirma kung pulis nga ba ang nasa viral video ni Sachzna.

Ayon pa kay Atty. Garreth Tungol, maaring maharap sa kasong administratibo ang lalake sakaling mapatunayang pulis nga ito at kung hindi criminal case ang maaring maisampa ng panig nina Sachzna.

Read also

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Gayunpaman, nilinaw ni Tulfo na bukas ang kanilang programa sa panig naman ng nagpakilalang pulis.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Sa ngayon, isa sa mga tatakbo bilang senador si Tulfo sa darating na Halalan 2022.

Samantala, si Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger at influencer sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life, Happy Breakup at Nothing But the Bests.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel