John Lloyd Cruz, masaya para kina Ellen Adarna at Derek Ramsay

John Lloyd Cruz, masaya para kina Ellen Adarna at Derek Ramsay

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si John Lloyd Cruz kaugnay sa pagpapakasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay

- Sa panyam sa kanya ni Jessica Soho ay naging maingat si John Lloyd sa kanyang sasabihin dahil hiwalay naman na sila ni Ellen

- Gayunpaman, nilinanaw niyang masaya siya para sa dalawa at wish niyang maging maayos ang kanilang marriage

- Mahalaga daw kasi iyon lalo na at makakaapekto iyon sa paglaki ng kanilang anak na si Elias

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang guesting sa Kapuso Mo, Jessica Soho, naibahagi ni John Lloyd Cruz ang kanyang saloobin hinggil sa pagpapakasl ng kanyang ex na si Ellen Adarna sa aktor na si Derek Ramsay. Naging maingat ang aktor sa kanyang binitawang salita.

John Lloyd Cruz, masaya para kina Ellen Adarna at Derek Ramsay
John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)
Source: Instagram

Matapos siyang mahingan ng personal na reaksiyon tungkol sa pagpapakasal ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang anak, naibahagi niya na masaya siya para sa kanila.

Read also

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

"Finally, she found the one," aniya na tumutukoy sa ina ng kanyang anak at dating kasintahang si Ellen Adarna.

Nilinaw niyang iniingatan niya na huwag na magsalita kaugnay sa relasyon nila ni Ellen dati dahil nakaraan na iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wish niyang maging maayos at masaya ang pagsasama ng mag-asawa dahil malaking bahagi iyon sa paglaki ng kanyang anak.

"Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital 'yan sa welfare at sa growth ng anak ko."

Sa mga naunang pahayag nina Ellen at Derek, naibahagi nila na maayos ang samahan nila ni John Lloyd at paminsan-minsan ay nahihiram nito ang anak.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Read also

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Siya ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.

Kasabay ng pagsasapubliko ng tungkol sa kanyang pagbabalik-showbiz, ibinahagi din ni John Lloyd ang kanyang official na social media pages.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel