Shanaia Gomez, nagbigay reaksyon sa pagiging malalapit nilang mga housemates

Shanaia Gomez, nagbigay reaksyon sa pagiging malalapit nilang mga housemates

- Napag-usapan na sa Bahay ni Kuya ang nag-trending kamakailan kaugnay sa sinasabing hindi na maganda ang pagiging malapit ni TJ kay Shanaia

- Kinumusta na rin ni Kuya ang ang bawat housemate kung saan sinabi ng mga ito na komportable na sila sa isa't isa

- Gayunpaman, kailangan pa rin umano nilang mag-ingat dahil sa mga mapagmatsag na mga mata ng kanilang mga tagasubaybay

- Dahil dito, isa na mismo si Shanaia sa nagpaalala sa kanyang mga housemates ukol sa maari nilang gawin sa isyu na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinarating na ni Kuya sa mga housemates ang umano'y napapansin ng mga nasa 'outside world' kung saan may kakaibang closeness na di umano ang mga nasa loob ng PBB house.

Nalaman ng KAMI na ito ay ang isinisigaw ng publiko na #ForceEvictTJ dahil umano sa maituturing nilang harassment na nagagawa na nito kay Shanaia.

Read also

Shanaia Gomez at iba pang girls sa PBB, sinabing komportable at pinakamalapit sa kanilang Kuya TJ

Shanaia Gomez, nagbigay reaksyon sa pagiging malalapit nilang mga housemates
Shanaia Gomez (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Kinumusta ni Kuya ang bawat housemate na lahat ay nagsabing komportable na sa isa't isa.

Matapos ang pag-uusap na ito kay kuya sa confession room, agad na nagtipon muli ang housemates upang mapag-usapan ang dapat nilang gawin bilang pag-iingat na rin sa posibleng mapuna sa kanila ng mga nanonood.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa na rito si Shanaia na komportable namang sinabi ang kanyang saloobin.

"If you see something na you should ano, tell that person na 'huy, maybe don't do that na lang, parang ganun para alam nila"

Mismong ang mga housemates na rin ang nagsabing walang anumang violation o harassment ang nagaganap sa bahay ni Kuya.

"First of all, there's no harassment, there's no violation or there's no anything here," pahayag naman ni Samantha.

Samantala, binigyand diin din ni Toni Gonzaga na kailanma'y hindi pahihintulutan ng Pinoy Big Brother ang nasabing alegasyon na malinaw namang sinabi ng mga housemates na hindi naman ito nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

Narito ang kabuuan ng kanilang mga naging usapan:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo at Chie Filomeno.

Kamakailan ay naging kontrobersyal din ang pag-walkout ni KD sa pagiging nominado niya sa ikatlong pagkakataon.

Subalit si Chie Filomeno ang na-evict sa bahay ni Kuya sa 3rd eviction night noong nakaraang Nobyembre 20 habang ligtas naman sa ikaapat na nominasyon si KD.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica