Jay Manalo, nakakasama ang 12 na anak tuwing nagdiriwang ng birthday niya

Jay Manalo, nakakasama ang 12 na anak tuwing nagdiriwang ng birthday niya

- Sa isang panayam ng entertainment writer na si Aster Amoyo, naibahagi ni Jay Manalo ang tungkol sa kwento ng kanyang buhay

- Kabilang na dito ang pagkakaroon niya ng 12 na anak sa 6 na iba't-ibang mga babae

- Gayunpaman, sinabi niyang maayos ang samahan nila maging ng kanyang mga dating karelasyon

- Nakakasama niya ang lahat ng kanyang mga anak sa kanyang kaarawan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Jay Manalo ang tungkol sa kanyang personal na buhay sa panayam sa kanya ng entertainment writer na siAster Amoyo. Dito ay napagkwentuhan nila ang tungkol sa pagkakaroon niya ng 12 na anak mula sa 6 na mga naging karelasyon niya.

1st article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo
Source: Instagram

Nilinaw niyang maayos ang kaniyang relasyon sa kanyang mga naging karelasyon at maging sa mga kasalukuyang mga partner ng kanyang mga nakarelasyon.

Read also

Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya

Sa katunayan ay nakakasama niya ang kanyang mga anak sa kanyang kaarawan. Gayunpaman, hindi na niya kinukuha ang mga oras ng mga anak niya sa ibang mga okasyon kagaya ng pasko at iba pang okasyon.

Aniya, nagkahiwalay man sila, wala silang samaan ng loob kaya maayos ang kanilang samahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga eaksiyon ng mga netizens:

Sya yun one of the few na gwapo na Vietnamese eh halos lahat doon chakaness ang mga boys. If he stayed there malamang artista din sya doon.
Di ko makalimutan ang guesting ni Jay Manalo nun s Showbiz Lingo, sweat and tears yung iyak nya makita ang Mommy nya.
Daming revelation sa mga past ng mga Stars. Grabe ang naging buhay pala ni idol. Pero tingnan mo naman ngayon diba.

Read also

Kim Chiu, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang Magpasikat journey

Si Jay Manalo ay isang Filipino-Vietnamese actor at model na sumikat noong dekada 90. Isinilang siya sa South Vietnam ngunit lumaki siya sa Tondo, Manila. ang kanyang ama ay Pinoy at Vietnamese naman ang kanyang ina.

Isa sa kanyang pinakaunang nagawang pelikula ay Brat Pack noong 1994. Bumida din siya sa pelikulang Paracale Gan na inilabas noongn 1996.

Sa unang ulat ng KAMI, nabanggit ni Jay ang tungkol sa kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa at sa mga ina ngkanyang mga anak.

Naibahagi din ni Jay ang tungkol sa naging karanasan ng anak niya matapos itong mag-swimming.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel