Kim Chiu, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang Magpasikat journey

Kim Chiu, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang Magpasikat journey

- Matapos ang pagkapanalo ng kanilang team sa katatapos lang na Magpasikat performance sa It's Showtime, pinakita ni Kim Chiu ang kanilang naging paghahanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aminado siya na sobra siyang nape-pressure lalo at ito ang kanyang unang pagkakataon na sasali siya sa Magpasikat bilang isa sa mga hosts

- Dumating pa ang pagkakataon na naiyak na lamang si Kim lalo nang hindi ma-aprove kaagad ang kanilang special effects

- Ayon naman kay Amy Perez, sobrang na-apreciate niya si Kim sa pagiging dedicated nito sa pagbuo ng kanilang presentation

Sa unang pagkakataon ay binahagi ni Kim Chiu ang behind-the-scenes ng kanyang kauna-unahang Magpasikat performance bilang isa sa mga hosts na kalahok. Para sa kanilang performance, kinailangan ni Kim na mag-drum lessons.

Kim Chiu, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang Magpasikat journey
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janella Salvador, pinakilala sa publiko ang kanyang alagang ahas

Pinakita ng aktres ang kanyang nagkapaltos-paltos na kamay sa kanayang pag-eensayo sa drums.

Aminado siya na sobra siyang nape-pressure lalo at ito ang kanyang unang pagkakataon na sasali siya sa 'Magpasikat' segment bilang isa sa mga hosts. Sa isang bahagi ng video, naiyak na lamang si Kim lalo nang hindi ma-aprove kaagad ang kanilang special effects.

Ayon naman kay Amy Perez, sobrang na-apreciate niya si Kim sa pagiging dedicated nito sa pagbuo ng kanilang presentation. Matatandaang ang kanilang team ang nanalo sa katatapos lang na Magpasikat competition.

Narito ang komento ng ilang netizens:

Inspiring is an understatement to this video. I realised that if you have that will, the passion, the fire, inside you - keep it burning. Never expect anything and appreciate everything. Things will fall into places where they should be. Never give up, never lose hope, always be positive because you will succeed.
What a strong woman you are Kim! You put everything into the prod and worked incredibly hard to deliver a stellar performance as the leader and its star. Hats off to all of you! Keep winning

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, pinakita ang kanilang Christmas tree na may sentimental value

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel