Kim Molina, 'di napigilang maiyak sa bangko nang malamang hit ang movie niyang 'Jowable'
- Ikinuwento ni Kim Molina kung ano ang naging reaksyon niya nang malamang patok sa takilya ang pelikula niyang 'Jowable'
- Kasalukuyan siyang nasa bangko noon at nang sabihin sa kanyang hit ang pelikula, naiyak talaga siya
- Hindi raw niya inaasahan ang tagumpay sa pag-aakalang ipalalabas lamang ito at 'di akalaing papalo sa Php 100 million ang kita nito
- Bumalik din kasi kay Kim ang mga 'di magandang komento noon ng tao tungkol sa kanya at kanyang kakayahan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muling binalikan ni Kim Molina ang kanyang naging reaksyon ng malamang patok sa takilya ang kanyang pelikula na 'Jowable.'
Nalaman ng KAMI na sa pagbabalik-tanaw ni Kim, nasa bangko raw siya noon para magpapalit ng tseke ng kanyang sahod nang matanggap niya ang isang phone call.
Doon ipinaalam sa kanya na hit ang kanyang pelikula at isa na siyang box-office actress.
Umabot kasi sa Php100 million ang kita ng naturang pelikula na hindi talaga pinaniwalaan agad ni Kim.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Nasa bangko ako, umiiyak ako... E kasi very overwhelming. Na meron akong, may nanood," kwento niya kay Toni Gonzaga sa panayam nito sa kanya.
"May mga taong nagsasabi sa akin noon na walang manonood, walang makikinig," emosyonal na ibinahagi ni Kim.
Doon niya mas lalong naalala ang mga taong minsan nang kinuwestyon ang kanyang kakayahan ngunit ngayon, tinatamasa na niya ang tagumpay.
"Umiyak ako ate kasi, hala! May nanood? May sumuporta? So, nakakatuwa," ani Kim.
Narito ang kabuuan ng makulit at makabuluhang interview kay Kim Molina mula sa Toni Gonzaga Studio:
Si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, known as Kim Molinao mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights' , at Elsa sa mainstream film na #Jowable kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.
Bukod kay Kim, ilan din sa mga artistang na-interview ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel ay sina Herlene 'Hipon Girl' Budol, K Brosas at marami pang iba.
Naging kontrobersyal naman ang kanyang mga naging interview sa mga politicians tulad nina Mayor Isko Moreno, dating Senator Bongbong Marcos at Senator Manny Pacquiao na lahat na ngayon ay pawang mga presidential candidates sa Eleksyon 2022.
Source: KAMI.com.gh