Ivana Alawi, Php1 million ang regalo sa ina sa kaarawan nito

Ivana Alawi, Php1 million ang regalo sa ina sa kaarawan nito

- Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan ang ina ni Ivana na tinatawag nilang si Mama Alawi

- Bukod sa pamamasayal nila sa napakagandang lugar sa Batangas, binigyan niya ito ng Php1 million bilang regalo

- Tinupad din nito ang gustong-gustong gawin ng kanyang ina na mamitas gayung ang perang umabot sa isang milyong piso ay naka-tseke

- Ayon kina Ivana, ayaw ng ina na nireregaluhan ito ng mga materyal na bagay dahil masgugustuhin nitong makatulong at makapagbigay saya sa ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumataginting na isang milyong piso ang regalo ni Ivana Alawi sa inang tinatawag nilang si Mama Alawi sa pagdiriwang nito ng kaarawan.

Nalaman ng KAMI na nagdiwang ang pamilya Alawi sa isang resort sa Batangas na labis na na-enjoy ng mga ito.

At bilang kaarawan ng kanyang ina, inalok niya ito sa Amanpulo. Subalit laking tanggi nito sa labis na panghihinayang sa maari nilang magastos sa pagpunta roon.

Read also

Jennylyn Mercado, ikinuwentong dinugo noon sa set ng 'Love, Die, Repeat'

Ivana Alawi, Php1 million ang regalo sa ina sa kaarawan nito
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

"Marami tayong mapapakain sa Php1 million... Marami tayong mapapasaya dun"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento rin nina Ivana at kapatid na si Hash na ayaw din naman ng kanilang ina ng mga materyal na bagay at mas gusto nitong nagbabahagi ng biyaya at nagpapasaya ng ibang tao.

Kaya naman naisipan na lamang ng magkakapatid na tuparin ang gusto laging gawin ng ina, ang mamitas.

Nagkataong may vineyard sa lugar kung saan nila naisipang maglagay ng mga tseke na may Php100,000.

Umabot sa sampung piraso na Php100,000 ang mga napitas ni Mama Alawi na labis niyang ipinagpapasalamat.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Raffy Tulfo, kasabwat ng ina ni Sachzna Laparan sa prank na nagpaiyak sa vlogger

Sa isang interview sa kanya ni Ogie Diaz, muli na namang napatunayan ni Ivana ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Aniya, handa umano siyang ubusin ang lahat ng kanyang pera masiguro lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi na pinahihirapan umano ng sakit nitong type one diabetes.

Nabanggit din niya sa naturang interview na papayag siyang maging housemate ni "Kuya" kahit naranasan niyang hindi matanggap nang siya ay nagtiyagang mag-auditon sa Pinoy Big Brother.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel