Raffy Tulfo, kasabwat ng ina ni Sachzna Laparan sa prank na nagpaiyak sa vlogger

Raffy Tulfo, kasabwat ng ina ni Sachzna Laparan sa prank na nagpaiyak sa vlogger

- Naiyak si Sachzna Laparan sa isa pa lang prank kung saan kasabwat ng kanyang ina si Raffy Tulfo

- Isa raw fan ni Sachzna ang dumulog sa programa ni Tulfo dahil sa hindi raw nito pagpapadala ng ipinangakong Php35,000 na hinihingi nitong tulong

- Padadalhan na sana ni Sachzna ng pera ang "fan" gayung sinabi rin ng kanyang mama na nakalimutan nga nila itong padalhan ng pera

- Subalit labis na ang pag-iyak ng vlogger kaya naman isiniwalat na ng kanyang ina na prank lamang ito at kasabwat nila si Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang napaiyak ang vlogger na si Sachzna Laparan sa prank na ginawa sa kanya ng kanyang mama kung saan kasabwat nito si Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na nagpanggap na nagrereklamong fan ng vlogger ang staff ni Tulfo at sinabing hindi umano tinupad ni Sachzna ang pangako nitong Php35,000 at iPad para sa kanya.

Read also

Miss Glamour PH, 'di pa rin nakababalik sa bansa: "Alam ko po na naghihintay kayo ng balita"

Raffy Tulfo, kasabwat ng ina ni Sachzna Laparan sa prank na nagpaiyak sa vlogger
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Dalawang buwan na raw ang nakalilipas nang pumayag si Sachzna sa hiling niyang pera at iPad.

Naipangutang pa raw niya ito sa tagal kaya pati ang interes nito ay pinoproblema na rin niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang makausap pa ni Sachzna ang nagpanggap na fan, tila sinisisi pa nito ang vlogger dahil sa hindi pagpapadala nito ng naipangako.

Naluha talaga si Sachzna dala ng halo-halong emosyon at sinabi naman sa "fan" na handa silang padalhan ito ng pera sa lalong madaling panahon.

Nang tawagin pa ni Sachzna ang kanyang ina, kinumpirma nga nitong nakalimutan nilang padalhan ang fan.

Subalit labis nang nagiging emosyonal ang vlogger kaya naman sinabi na nila ang totoo na prank lamang ito.

Gayunpaman, humanga naman si Tulfo sa kabutihan ni Sachzna na kahit na nasisi ng nagpanggap ng fan sa prank ay handa pa rin magpadala agad ng tulong.

Read also

Jake Cuenca, nabisita na ang rider na nadaplisan ng bala sa car chase sa kanya

Narito ang kabuuan ng video:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Noong Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel