Vice Ganda, kinamusta ang kanyang mga haters at bashers

Vice Ganda, kinamusta ang kanyang mga haters at bashers

- Idinaan ni Vice Ganda ang kanyang pasaring sa kanyang bashers sa pamamagitan ng isang TikTok video

- Pasimple nitong ibinida ang mga magagandang bagay na nangyayari sa kanya at kanyang tinatamasa

- Ipinagmalaki rin niyang masaya ang relasyon nila ng boyfriend na si Ion Perez

- Hirit pa ni Vice Ganda, ipagdadasal na lamang niya ang mga kawawang bashers niya para umasenso naman

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi diretsahang sinagot ni Vice Ganda ang mga komento ng kanyang mga bashers. Gayunpaman, idinaan ni Vice Ganda ang kanyang pasaring sa kanyang bashers sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Vice Ganda, kinamusta ang kanyang mga haters at bashers
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa kanyang TikTok video ay inisa-isang binida ni Vice ang magagandang bagay na nangyayari sa kanya. Kabilang na ang pag-improve ng kanyang itsura.

"Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, 'no? Wow!

Read also

Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure

Binanggit niya rin na nadagdagan ang kanyang kita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year," dagdag pa niya.

Ipinagmalaki niya rin ang maayos na relasyon nila ni Ion Perez.

"And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga.Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na."

Masaya din daw siyang napasaya niya ang kanyang ina at may bago na naman siyang awards. Dito na niya kinamusta ang kanyang bashers kung naging maganda din ba ang buhay nila.

Hirit pa ni Vice Ganda, ipagdadasal na lamang niya ang mga kawawang bashers niya para umasenso naman.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Michelle Vito, nag-post ng selfie matapos ang pang-iintriga ng mga 'Marites'

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel