Michelle Vito, nag-post ng selfie matapos ang pang-iintriga ng mga 'Marites'

Michelle Vito, nag-post ng selfie matapos ang pang-iintriga ng mga 'Marites'

- Matapos maintriga dahil sa kanyang ibinahaging mga pictures kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Enzo Pineda, muling nag-post ng kanyang selfie si Michelle Vito

- Bago pa ito ay nilinaw niyang hindi siya buntis kagaya ng mga naging bulong-bulungan

- Paliwanag niya busog lamang siya nang kinunan ang mga pictures kaya medyo malaki ang kanyang tiyan

- Sa kanyang panibagong post, inunahan na ni Michelle ang mga aniya'y 'Marites'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos maintrigang buntis siya, nagbahagi si Michelle Vito ng resibo na magpapatunay na walang katotohanan ang mga haka-haka kaugnay sa post niya kung saan makikitang medyo malaki ang kanyang tiyan.

Michelle Vito, nag-post ng selfie matapos ang pang-iintriga ng mga 'Marites'
Photo from Michelle Vito (@michellevito)
Source: Instagram

Bago pa ang post na ito, nauna nang nilinaw ni Michelle na busog lamang siya nang makuhanan ng mga pictures na kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Enzo Pineda.

Read also

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

"Gusto ko lang naman kumain... busog lang po ako," ani Michelle.

Kaya naman, sa kanyang panibagong post, inunahan niya na ang aniya's mga 'Marites.' Sa kanyang bagong post ay makikita din na mas maliit na at walang umbok ang kanyang tiyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa mga followers ng aktres ang naaliw sa kanyang caption kung saan tila inunahan niya na ang mga taong gustong mang-intriga sa kanya.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa post na ito ni Michelle:

Hahahahaha kasalanan ba maging busog?Yung caption talaga ang nagdala haha! Don't mind them Ms. Michelle. Ako nga wala namang boyfriend pero malaki tiyan ko kasi mahilig ako kumain mga Marites talaga
Hahgaha yes mga marites... Pasok!! Hahaha ano sinasabi nyo buntis cya. Hahaha! Gusto ko lang ishare na mas malaki pa tyan ko sayo nung nabusog ako. Ganun talaga. Tumataba ang gurl pag nasa tamang lalaki.

Read also

Xian Gaza, gumastos ng tumataginting na 1.5M para sa kanyang billboard proposal

ayaan mo lang mga marites baby.walang magawa sa buhay yan. love you always .

Si Michelle Vito ay isang Kapamilya actress na nakilala sa pagganap bilang kontrabida sa "Aryana" at gumanap bilang Megan Mendez. Siya ay nakilala din sa pagganap sa pelikulang "Pagpag: Siyam na Buhay" bilang si Hanna.

Naging usap-usapan din ang pagdiwang ng magkasintahan sina Michelle at Enzo Pineda sa kanilang unang taon bilang magkarelasyon. Samantala, hindi ikinaila ni Enzo na nagpositibo siya sa COVID ngunit binahagi niyang nalampasan niya na ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel