Michelle Vito, Enzo Pineda nag-celebrate ng first anniversary

Michelle Vito, Enzo Pineda nag-celebrate ng first anniversary

- Ipinagdiwang nina Michelle Vito at Enzo Pineda ang unang anibersaryo ng kanilang relasyon

- Kapwa nagpost ang dalawa sa kanilang social media accounts ng pag-gunita sa kanilang unang taon ng pagsasama

- Matatandaang inamin ni Enzo ang tungkol sa kanilang relasyon noong Agosto 2020

- Sa isang lumang panayam ay ibinahagi ni Michelle na ang pagiging consistent at pasensyoso ni Enzo ang dahilan kung bakit nagustuhan niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagdiwang sina Michelle Vito at Enzo Pineda ng kanilang unang taon bilang magkasintahan at sweet nila itong ibinahagi sa social media.

Michelle Vito, Enzo Pineda nag-celebrate ng first anniversary
Enzo Pineda, Michelle Vito (Photo credit: @michellevito)
Source: Instagram

Nitong ika-28 ng Pebrero, Linggo, ay tumuntong na sa unang taon ang relasyon ng Kapamilya celebrities.

Ibinahagi ni Michelle sa kanyang Instagram account ang ilang larawan and mga video clips na kuha sa nagdaang taon ng kanilang pagsasama.

"1 year of u and me ♡," sabi ng dalaga sa caption.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Enzo naman ay nagpost rin ng ilang litrato kung saan ay kasama niya si Michelle. Sinamahan niya ito ng isang napaka-sweet na greeting para sa girlfriend.

"With the fact that life is a journey. It doesn’t matter where or how I go, being with you, making you proud and smile is my happiness. Happy 1st anniversary my Dai and a billion more to come. I hope on our special day kahit busy ka with your show napasaya kita. Can’t wait to celebrate our anniversary again when you get back. I love you to the moon and back," sulat niya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinumpirma ni Enzo ang tungkol sa relasyon nila ng aktres noong Agosto ng nakaraang taon.

Read also

Anne Curtis, ibinahagi ang litrato ng magpinsang Dahlia at Thylane

"In this vast infinite universe that we are in, I’m blessed that I ended up in this interesting planet called earth & met you. Thank you for sunnier days and thank you for inspiring me to be a better man. I treasure every moment with you and I’m excited for the adventures life has in store for us," ibinahagi niya noon.

Sa isang nagdaang panayam naman ay ibinunyag ni Michelle na nahulog siya kay Enzo dahil pagiging consistent at pasensyoso niya habang nililigawan niya ang dalaga. Sinabi niya na hindi siya sinukuan ng aktor kahit na ilang beses niyang tinanggihan ang pagyayaya nito na lumabas noong una at kahit na sinusungitan niya ito.

"Siyempre important 'yung consistency ng tao at 'yung pasensiya niya sa iyo. Siyempre hindi naman palaging okay ang relationship niyo. So doon pa lang sa ligaw stage ay tinest ko na siya and hanggang saan niya ako maiintindihan," she added.

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Michelle Vito at Enzo Pineda ay kapwa mga talents ng ABS-CBN o Kapamilya Channel. Naging malapit sila sa isa’t-isa noong magkatrabaho sila sa seryeng “Nang Ngumiti ang Langit” noong 2019.

Si Enzo ay nagtrending noong kasagsagan ng isyu ng ABS-CBN shutdown. Ito ay dahil isa ang kanyang congressman na ama sa mga bumoto na hindi bigyan ng bagong prangkisa ang kanyang home network.

Ilang raw lang ang nakakaraan ay nag-trending si Kim Chiu dahil naiyak ito nang makaharap ang isang contestant sa “It’s Showtime” na pabor pala dati sa pagsasara ng ABS-CBN.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel