Xian Gaza, gumastos ng tumataginting na 1.5 M para sa kanyang billboard proposal

Xian Gaza, gumastos ng tumataginting na 1.5 M para sa kanyang billboard proposal

- Naibahagi ni Xian Gaza ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng kanyang business partner sa South Korea

- Nagmungkahi daw ito na lagyan niya ng company logo yung billboard para daw ma-promote ang mga negosyo't kumpanya niya

- Hindi daw ito pumayag dahil mawawala raw yung sincerity ng kanyang dinner date proposal para kay Jennie ng Kpop group na Blackpink

- Aniya, tutal ay kaya naman niyang kitain sa loob ng sampung araw ang 1.5 M na kanyang ginastos sa nasabing billboard proposal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Facebook post, naibahagi ni Christian "Xian" Gaza ang naging pag-uusap umano nila ng kanyang business partner sa South Korea. Ayon sa kanya, iminungkahi ng kanyang business partner na lagyan na niya ng company logo yung billboard para daw ma-promote ang mga negosyo't kumpanya niya at masulit na rin kahit papaano ang binayad niya.

Read also

Pinoy actor sa 'Squid Game', na-discriminate sa Korea; "She threw a cabbage on my face"

Xian Gaza, gumatos ng tumataginting na 1.5 M para sa kanyang billboard proposal
Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Gayunpaman, hindi umano siya pumayag dahil para sa kanya ay mawawala ang sincerity ng kanyang proposal. Dagdag pa niya ay mas pipiliin niya ang lumigaya kesa sa malaking halaga ng pera. Kaya naman daw niyang kitain ang halagang 1.5M sa loob lamang ng sampung araw.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Daming bitter dito.. hayaan nyo nalang po si Xian yan yung happiness nya ang mapansin sa korea bonus nalang kung papansinin ni jennie pera nya naman yung nasayang hindi yung sa inyo. Bitter lang kayo kasi hindi nyo mapa billboard mga crush/jowa nyo.
Bakit ang hirap sa ibang tao tanggapin na "a person can change for the better?" Aminado naman sya na scammer sya "dati". And yung mga na scam nya noon is unti unti nyang binabayaran ngayon. Hindi ko sya pinagtatanggol, pero the last time na nagbasa basa ako sa timeline nya, nakikita and na ffeel ko na my goal yung tao na yan and matalino sya ha.

Read also

Misis na nabawasan ng 20 kilos ang timbang, may Php50,000 mula sa naghamong mister

Wow! Sana all kumikita ng 1.5M in 10 days

Si Xian Gaza ay unang sumikat sa social media matapos niyang ayain si Erich Gonzales para mag-coffee sa pamamagitan ng isang billboard. Kasunod nito ay laging naging matunog ang pangalan niya lalo na nang madawit siya bilang isang scammer.

Marami ang humanga sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa lalaking nahuling magnakaw ng diaper.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel