Madam Inutz, naiyak nang tulungan ang naka-wheelchair na naglalako ng face mask

Madam Inutz, naiyak nang tulungan ang naka-wheelchair na naglalako ng face mask

- Hindi napigilan ni Madam Inutz na maluha nang makita ng kanyang mga kasama ang isang lalaking naka-wheelchair at naglalako pa rin ng face mask

- Magkahalong awa at paghanga ang naramdaman ni Madam Inutz sa lalaking nakilala nilang si Alvin

- Isa ito sa limang nabiyayaan ni Madam Inutz ng tulong bilang bahagi ng pagsi-share niya ng kanyang tinatamasang blessings

- Si Madam Inutz mismo ang namili ng groceries na kanyang ibinigay kay Alvin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naluha si Madam Inutz nang makita at makilala ang person with disability na si Alvin.

Nalaman ng KAMI na magkahalong awa at paghanga ang naramdaman ni Madam Inutz kay Alvin na nagagawa pa rin na maglako ng face mask kahit na siya ay naka-wheelchair.

Sa kanyang bagong vlog, limang masusuwerteng tao ang nabiyayaan ni Madam Inutz at isa na rito ay si Alvin.

Read also

Mimiyuuuh,pinagluto si VP Leni Robredo ng kanyang essential lugaw

Madam Inutz, naiyak nang tulungan ang naka-wheelchair na naglalako ng face shield
Madam Inutz (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Nakita lamang ng mga kasamahan ni Madam ang PWD at hindi sila nagdalawang-isip na piliin ito para mabigyan ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mismong si Madam Inutz ang namili ng grocery na talagang naluha bago makapaglagay sa cart ng mga pagkain at iba pang kailangan ni Alvin.

"'Di ba nakita niyo sitwasyon niya, kahit ganoon siya, nagtitinda siya ng face mask sa kalsada."

"Sabi ko naman sa inyo mga inutil, 'wag niyong idahilan ang kapansanan niyo para hindi kayo maghanap-buhay, nakita niyo 'yung sitwasyon niya... Naiyak ako," at tuluyan na ngang naluha si Madam Inutz.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel niya na Daisy Lopez:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Madam Inutz, sinurpresa ang nanay-nanayan niya sa Tondo; "Syempre share your blessings"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Sinasabing sinuwerte rin siya sa napakabait niyang talent manager na si Wilbert Tolentino. Mula kasi ng pumirma siya ng kontrata rito, sunod-sunod na ang naging proyekto niya.

Bukod sa aktibo na rin siya sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez', inilabas na rin ang kanyang dalawang awitin na 'Inutil' at 'Sangkap ng Pasko' kung saan nakasama pa niya ang kanyang pamilya sa music video nito.

Ang pinakabagong proyekto nga ni Madam Inutz ay ang pagiging isa sa mga official celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Season 10 Kumunity.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel