Madam Inutz, sinurpresa ang nanay-nanayan niya sa Tondo; "Syempre share your blessings"

Madam Inutz, sinurpresa ang nanay-nanayan niya sa Tondo; "Syempre share your blessings"

- Binisita ni Madam Inutz ang nanay-nanayan niya sa Tondo kung saan siya tumira

- Nais lamang daw ibalik ni Madam Inutz ang kabutihang ipinakita sa kanya ng kanyang Nanay Sabel

- Maayos daw siyang pinatuloy nito sa kanilang tahanan, pinakain at pinatulog at gumabay din umano sa kanya gayung wala siya sa sarili niyang tahanan

- Labis na natuwa ang kanyang Nanay Sabel na nagpapasalamat kay Madam Inutz at hindi raw ito nakalimot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binalikan at sinurpresa ni Madam Inutz ang nanay-nanayan niya mula Tondo na si Nanay Sabel.

Nalaman ng KAMI na naisipan kasi ni Madam Inutz na mamahagi ng kanyang tinatamasang biyaya at isa sa mga naisip niyang tulungan ay ang kanyang nanay Sabel.

Ito raw ang nagsilbing ina niya nang tumira siya sa tahanan nito. Pinakain siya, pinatulog at pinatuloy ng maayos noong panahong 'layas' pa raw si Madam Inutz.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

Madam Inutz, sinurpresa ang nanay-nanayan niya sa Tondo; "Syempre share your blessings"
Madam Inutz kasama ang kanyang mga magulang (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Si nanay Sabel daw talaga ang tumulong at gumabay sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang matunton ni Madam Inutz ang bahay ng nanay-nanayan niya, Sinundo lamang niya ito upang maipamili ng grocery items ang pamilyang kumupkop sa kanya.

Bukod sa grocery items, inabutan din niya ng tulong pinansyal ang pamilya ni Nanay Sabel at sinabing para raw ito sa gamot ng mister nito.

Labis ding nagpapasalamat si nanay Sabel kay Madam Inutz na hindi sila kinalimutan.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Read also

Boobay, naiyak nang inalala ang pagtulong ni Marian Rivera sa kanya noong 2016

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemates ni Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel