Madam Inutz, may pa-Christmas party sa family bago pumasok sa PBB

Madam Inutz, may pa-Christmas party sa family bago pumasok sa PBB

- Napaaga ang pagdiriwang ng Pasko nina Madam Inutz at kanyang pamilya

- Ito ay dahil sa despedida na ginawa para sa kanya bago ito pumasok sa Pinoy Big Brother house bilang isang official celebrity housemate

- Bukod sa kanyang family, kasama rin nina Madam Inutz ang mga 'Ka-freshness' at manager niyang si Wilberto Tolentino

- Naging emosyonal pa ang ina ni Madam Inutz nang magpaalam ito sa kanya pansamantala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaaga ng ilang buwan ang Christmas celebration nina Madam Inutz at kanyang pamilya dahil sa despedida para sa kanya bago ito pumasok sa Pinoy Big Brother House.

Nalaman ng KAMI na ginawa ito dahil malaki ang posibilidad na mag-Pasko si Madam Inutz sa loob ng bahay ni Kuya bilang isa sa mga official celebrity housemates.

Madam Inutz, napaaga ang Christmas party kasama ang pamilya bago pumasok ng PBB house
Si Madam Inutz kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid. (Photo: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sa kanyang Youtube channel na Daisy Lopez, ibinahagi ang mga kaganapan ng munting selebrasyon.

Read also

Wilbert Tolentino, kinantsawan si Madam Inutz sa pagiging 'behave' nito sa live selling

Bukod sa malaki at masayang pamilya ng viral online seller, kasama rin nila sa party ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino at mga 'Ka-freshness' gayundin ang 'Team Inutz.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinakita rin ang pagpapalam ni Madam Inutz sa kanyang ina na naging emosyonal dahil matagal-tagal din niyang hindi makakasama ang anak.

Narito ang kabuuan ng video:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

At ngayong Season 10 na ang naturang programa, isa sa mga pinakatutukan ngayon ng mga fans ay ang sikat na online seller na si Madam Inutz.

Kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemates ni Big Brother.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel