Wilbert Tolentino, kinantsawan si Madam Inutz sa pagiging 'behave' nito sa live selling

Wilbert Tolentino, kinantsawan si Madam Inutz sa pagiging 'behave' nito sa live selling

- Pinayagan si Madam Inutz na mag-live selling pa rin kahit nasa loob ng PBB house

- Ngunit kapansin-pansin ang hindi nito pagmumura at wala munang pa-shout out kung saan siya nakilala

- Dahil dito, nakantsawan tuloy siya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa pagiging 'behave' niya sa loob ng bahay ni Kuya

- Tuwing Martes at Biyernes pinahintulutan ni 'Kuya' na mag-live selling si Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tuwang-tuwa na kinantsawan ni Wilbert Tolentino ang kanyang alaga na si Madam Inutz dahil sa 'behave' ito sa kanyang live-selling sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na pinahintulutan ni 'Kuya' si Madam Inutz na mag-live selling kahit nasa loob ito ng kanyang bahay bilang isa sa mga official celebrity housemates.

Wilbert Tolentino, kinantsawan si Madam Inutz sa pagiging 'behave' nito sa live selling
Wilbert Tolentino Kasama si Madam Inutz (Photo from Daisy_Licious Ukay)
Source: Facebook

Dahil dito, ginulat ni Madam Inutz ang kanyang mga supporters dahil muli siyang napanood ng mga ito sa kanya mismong Facebook page na 'Daisy-licious Ukay.'

Read also

Madam Inutz, pinayagan paring mag-live selling sa loob ng PBB house

Subalit kapansin-pansin na wala munang 'shout-out' at makulit na murahan ang naganap sa live ni Madam Inutz gayung nasa loob nga siya ng PBB house.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi ako makapagmura dito ah... Bantay sarado ako rito," ani Madam Inutz.

Dahil dito, napakomento ang kanyang manager ng "bwahahahaha ang behave behave ni madam"

Narito ang kabuuan ng kanyang unang live selling sa loob ng bahay ni Kuya:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Sinasabing sinuwerte rin siya sa napakabait niyang talent manager na si Wilbert Tolentino. Mula kasi ng pumirma siya ng kontrata rito, sunod-sunod na ang naging proyekto niya.

Read also

Madam Inutz, may pa-Christmas party sa family bago pumasok sa PBB

Bukod sa aktibo na rin siya sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez', inilabas na rin ang kanyang dalawang awitin na 'Inutil' at 'Sangkap ng Pasko' kung saan nakasama pa niya ang kanyang pamilya sa music video nito.

Ang pinakabagong proyekto nga ni Madam Inutz ay ang pagiging isa sa mga official celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Season 10 Kumulitan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel