Madam Inutz, pinayagan paring mag-live selling sa loob ng PBB house

Madam Inutz, pinayagan paring mag-live selling sa loob ng PBB house

- Pinahintulutan ni 'Kuya' ng Pinoy Big Brother na mag-live selling pa rin si Madam Inutz

- Kahit isa sa mga official celebrity housemates na nasa loob ng bahay ni Kuya, pinahintulutan pa rin si Madam Inutz na mag-live selling ng kanyang mga panindang damit

- Gamit pa rin ni Madam Inutz ang account niyang 'Daisy_licious Ukay' at tuwing Martes at Biyernes siya maaring mag-live

- Subalit dahil nasa loob siya ng PBB house, 'behave' si Madam Inutz at hindi nagmumura sa mga pa-shout out kung saan talaga siya nakilala

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ginulat ni Madam Inutz ang kanyang mga supporters matapos na siya ay mapanood muli sa kanyang Facebook page.

Nalaman ng KAMI na pinahintulutan pala kasi siya ni 'Kuya' na mag-live selling kahit nasa loob ng Pinoy Big Brother house.

Read also

Madam Inutz, naiyak nang tulungan ang naka-wheelchair na naglalako ng face mask

Ngayong Oktubre 26, personal na nakapagpa-mine si Madam Inutz ng kanyang mga paninda sa kanyang 'Daisy_licious Ukay' page.

Madam Inutz, pinayagan paring mag-live selling sa loob ng PBB house
Madam Inutz (Screengrab from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Tuwing Martes at Biyernes ay maari siyang magtinda kahit isa siya sa mga official celebrity housemates ni Kuya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, may ilang mga pagbabago sa kanyang pagtitinda. Hindi niya nakikita ang ibang mensahe ng mga viewers niya at tanging mga nagma-mine lang ang kanyang nakikita.

Hindi rin niya maaring gawin ang kakaibang pag-shoutout niya sa mga manonood at kailangang 'behave' siya gayung nasa loob pa rin siya ng PBB house.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa kanyang live selling sa loob ng bahay ni Kuya.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Sinasabing sinuwerte rin siya sa napakabait niyang talent manager na si Wilbert Tolentino. Mula kasi ng pumirma siya ng kontrata rito, sunod-sunod na ang naging proyekto niya.

Bukod sa aktibo na rin siya sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez', inilabas na rin ang kanyang dalawang awitin na 'Inutil' at 'Sangkap ng Pasko' kung saan nakasama pa niya ang kanyang pamilya sa music video nito.

Ang pinakabagong proyekto nga ni Madam Inutz ay ang pagiging isa sa mga official celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Season 10 Kumulitan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel