Madam Kilay, sinugod sa emergency room dahil sa matinding pananakit ng tiyan

Madam Kilay, sinugod sa emergency room dahil sa matinding pananakit ng tiyan

- Ibinahagi ni Madam Kilay ang nangyari sa kanya kamakailan na humantong sa pagsugod sa kanya sa pagamutan

- Ayon sa kanya, nakaramdam siya ng matinding pananakit ng tiyan at nilagnat din siya kaya siya dinala sa emergency room

- Ayon sa doktor ay nagkaroon siya ng impeksiyon ngunit nagagamot naman daw iyon

- Pinasalamatan ni Madam Kilay ang kanyang tunay na kaibigan na nagdala sa kanya sa pagamutan at nag-alaga sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang pinakahuling vlog, ibinahagi ni Madam Kilay ang update tungkol sa kanya. Naibahagi niya ang dinanas niyang matinding pananakit ng tiyan at nilagnat umano siya. Pinasalamatan niya ang maituturing niyang tunay na kaibigan na nagdala sa kanya sa ospital.

Madam Kilay, sinugod sa emergency room dahil sa matinding pananakit ng tiyan
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Ayon sa doktor ay nagkaroon siya ng impeksiyon ngunit nagagamot naman daw iyon. Nang makauwi na ay dumating na rin ang kanyang bill sa ospital. Hindi man naadmit ay halos kalahating milyong piso ang kanyang hospital bill.

Read also

Raffy Tulfo, kumain sa fast food; pinagbigyan halos lahat ng nais makipag-selfie sa kanya

Mabuti na lamang at mayroon siyang insurance kaya malaki rin ang nabawas sa kanyang bayarin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami sa kanyang mga subscribers ang nag-alala sa vlogger.

Ang importante in good condition ka na ngayon Madam Kilay..namiss kita at ang vlogg mo..kya pla nawala ka ng almost one month..welcome back Madam Kilay.
Madam sobrang nalulungkot ako sa nangyri sayo mag-iingat ka naman madam. Huwag masyadong magpapagod. Buti nalang nandiyan yung mabait at mabuti mung kaibigan at may natingin sayo at nag-aalaga... tama ka madam, hindi lahat ng kaibigan nandiyan kahit wala ka or meron ka. Pili lang talaga.
Kaya Pala Hindi napo kayo nakapag upload ng bagong video, I'm always here madam magpagaling Po kayo

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Read also

Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel