Vice Ganda, pumila ng isang oras para sa hotdog; malalagay pa sa 'wall of fame' ng resto

Vice Ganda, pumila ng isang oras para sa hotdog; malalagay pa sa 'wall of fame' ng resto

- Matiyagang pumila si Vice Ganda para lamang matikman ang kilalang 'Pink's Hotdogs' sa Amerika

- Nagtaong naroon naman ang mga may-ari nito na napakabait at agad na pinapasok si Vice sa kanilang resto

- Bukod pa rito, agad na kinuhanan ng larawan si Vice at ilalagay umano ang larawan niya sa kanilang 'Wall of Fame'

- Libre na rin ang ilang hotdog sandwiches na ibinigay kay Vice na mayroon pang mga freebies na souvenirs mula sa may-ari ng Pink's

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super enjoy si Vice Ganda nang dayuhin niya ang Pink's Hotdogs nang magkaroon siya ng show sa Amerika kamakailan.

Nalaman ng KAMI na matiyagang pumila si Vice ng nasa isang oras dahil na-curious umano ito ung bakit mahaba ang pila sa resto at marami ang nagsasabing masarap ang mga hotdogs doon.

Read also

Vice Ganda, nilibre ng may-ari ng isang sikat na hot dog restaurant sa US

Vice Ganda, pumila ng isang oras para sa hotdog; malalagay pa sa kanilang 'wall of fame'
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nagkataon namang naroon ang mag-asawang may-ari ng Pink's at ipinakilala si Vice ng isa niyang kasama sa mga ito.

Mababait at very accommodating ng mga may-ari na sina Richard at Gloria. Agad nilang inaya si Vice sa resto at kinuhanan agad ng larawan upang mailagay sa kanilang 'wall of fame.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa 'wall of fame' ng Pink's ang mga sikat na hollywood celebrities na nakabisita sa kanila.

Kwento pa ni Gloria, maging ang dating first lady ng USA na si Michelle Obama ay minsan naring nakapunta at nakakain sa Pink's.

Bukod sa free food, binigyan din si vice ng mga freebies mula sa store tulad ng mask at purse.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Read also

Heaven Peralejo, ibinida so social media ang kanyang angel costume

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.95 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel