Vice Ganda, nilibre ng may-ari ng isang sikat na hot dog restaurant sa US

Vice Ganda, nilibre ng may-ari ng isang sikat na hot dog restaurant sa US

- Sinubukan ni Vice Ganda ang isang sikat na hot dog restaurant sa US at naintriga siya dahil nakita niya mismo kung gaano kahaba ang pila ng mga tao

- Habang nakapila ay may iilang nagpa-picture sa kanya nang mamukhaan siya kahit may suot siyang mask

- Nilapitan naman siya ng may-ari nang malaman nilang isa siyang sikat na persdonalidad dito sa Pilipinas

- Hindi na siya pinapila at nilibre siya ng ilang hotdogs at marami pang mga binigay na freebies ang may-ari kagaya na lamang ng purse at facemask

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang pagpunta sa isang sikat na hot dog restaurant sa US. Nadatnan niya ang mahabang pila ng mga tao sa nasabing restaurant na mayroon na ring branches sa Pilipinas.

Vice Ganda, nilibre ng may-ari ng isang sikat na hot dog restaurant sa US
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ani Vice, pipila siya para matikman ang hotdogs. Habang nasa pila ay may iilang namukhaan siya at nagpa picture sa kanya. Nilapitan naman siya ng may-ari nang malaman nilang isa siyang

Read also

Vice Ganda, pumila ng isang oras para sa hotdog; malalagay pa sa 'wall of fame' ng resto

Naroon din ang pictures ng iba't-ibang sikat na personalidad sa kanilang Celebrity Hall of Fame. Ayon nsa may-ari ay ilalagay din nila ang picture ni Vice doon.

Nilibre siya ng ilang hotdogs at marami pang mga binigay na freebies ang may-ari kagaya na lamang ng purse at facemask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Five stars naman kay Meme Vice ang kanilang hotdog na aniya ay sulit dahil bukod sa nakakabusog ay masarap din umano ang kanilang hotdogs.

Narito ang komento ng ilang netizens:

The owners are so genuine! I can feel their sincerity in running their business. I really want to try their hotdogs there in America and hope to get a glimpse of them.
Iba talaga yung ganda ni meme Vice, International na, nakalibre paaa hahah labyuuu meme..
Budol is real Meme! Nakakatuwa naman. Good vibes lang! Thank you for all your videos nakakatulong this pandemic.

Read also

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel