Pinoy actor sa 'Squid Game', na-discriminate sa Korea; "She threw a cabbage on my face"

Pinoy actor sa 'Squid Game', na-discriminate sa Korea; "She threw a cabbage on my face"

- Ibinahagi ng Pinoy actor sa 'Squid Game' ang hindi magandang naranasan sa Korea

- Naikwento niya ito sa interview sa kanya ng Asian Boss kung saan naranasan daw niyang mabato ng repolyo sa mukha

- Ito ay ginawa umano ng isang babaeng may edad nasa 50 na nakasakay niya sa bus

- Ang masaklap, walang ni isang tumulong o nakialam sa kanila sa ginawa sa kanya ng babaeng Korean na nagsabing hindi siya nararapat doon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ng Pinoy actor sa 'Squid Game' na si Christian Lagahit ang hindi magandang karanasan niya sa Korea.

Sa kabila pala ng pamamayagpag niya sa iba't ibang mga Korean movies at series, nakaranas pa rin umano so Christian ng diskriminasyon.

Sa interview sa kanya ng Asian Boss na naibahagi rin ng Philippine Star, sinabing naransan ni Christian na mabato na lamang ng repolyo sa mukha sa hindi niya malamang dahilan.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Pinoy actor sa 'Squid Game', na-discriminate sa Korea; "She threw a cabbage on my face"
Christian Lagahit sa set ng 'Squid Game' (@chrisyan8)
Source: Instagram

Nasa village bus daw siya noon at medyo puno na ang sinasakyan. Nasa likuran na siya ng ng bus at may mga tao nang nakatayo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking gulat niya nang masapul ang mukha niya ng repolyo na ibinato umano sa kanya ng isang babaeng Korean na nasa edad 50.

Agad naman niyang tinanong kung anong problema at bakit ito nasagawa sa kanya. Ang masaklap, walang ni isang namagitan o nangialam.

"The hardest part was no one is paying attention to me. Everyone was there. There's a lot of people inside," pahayag ni Christian.

Sa nangyari, nasira raw talaga ang suot niyang salamin at wala siyang nagawa kundi ang bumaba na lamang sa bus kung saan hindi raw pala siya nararapat na naroon.

Gayunpaman, sa isang interview sa kanya ng GMA News, nabanggit naman ni Christian kung gaano kababait ang mga nakatrabaho niya sa Netflix hit series na 'Squid Game.'

Read also

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

Isa nga umano sa mga naka-close niya ang ang gumanap na si "Ali" na sinasabing para sana sa aktor na si Carlo Aquino.

Naikwento ito ng actor sa isa niyang post at sa interview sa kanya ng Star Magic. Sinabing nanghihinayang din siya na dahil sa mga travel restrictions noon, hindi siya nakalipad ng Korea para mapabilang sa cast ng number 1 series na ngayon sa Netflix.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica