Baby Bia nina Zeinab Harake at Skusta Clee, 5 months na; Nag-ala 'Ariel' sa photoshoot

Baby Bia nina Zeinab Harake at Skusta Clee, 5 months na; Nag-ala 'Ariel' sa photoshoot

- Five months old na si Baby Bia nina Zeinab Harake at Skusta Clee

- Para sa buwang ito, Si Ariel ng 'The Little Mermaid' ang theme ng kanyang photoshoot

- Bukod kina Zeinab at Skusta, todo support din ang Team Zebbies sa super cute na photoshoot ni Bia

- Nagbiro pa si Zeinab na sana'y nagpa-challenge siya sa mga makapagpapatawa kay Baby Bia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super Cute ang baby nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si Bia sa kanyang photoshoot. Dahil 5 months old na siya, si "Ariel" ng The Little Mermaid ang napiling Disney Princess character ng kanyang Mommy Zeinab para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na late na halos nasimulan ang photoshoot ni Baby Bia kaya naman bahagyang nag-aalala si Zeinab sa kalalabasan ng kanilang shoot.

Read also

DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

Baby Bia nina Zeinab Harake at Skusta Clee, 5 months na; nag-ala 'Ariel' sa photoshoot
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Matatandaang sa kada buwan na nagkakaroon ng photoshoot si Bia, may pagkakataong nakakatulong ito kaya hinihintay muli nilang magising ito para ituloy ang session.

Ngunit ngayon, bagama't gising sa buong shoot si Baby Bia, panay tawa naman ito kung hindi nakatutok sa kanya ang camera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Todo support din ang 'Team Zebbies' sa photoshoot ni Bia at tulong-tulong sila sa pagpapatawa rito.

"Dapat pala nagpapa-challenge ako, ang makapagpatawa may limang daan," ani Zeinab na super excited kinalabasan ng shoot.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay naaliw sa bonggang photoshoot ni Bia. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Imagine having a mom like zeinab na sobrang love at effort kay Bia"
"Bia And Lucas Is So Blessed to have parents like Zeiryl"
"Stress reliever ko talaga mga vlogs mo ate Zeinab. Super cute ni Bia"

Read also

Ana Patricia Non ng Maginhawa Community Pantry, pinarangalan sa Quezon City

"Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang, i-announce mo na preggy ka! Love u Zeb and Bia!"
"Bia's cuteness literally made my dayy! Thanks ate zeb for feeding us by bia's cuteness!"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: Kami.com.ph

Online view pixel