Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

  • Usap-usapan si Rita Gaviola sa social media matapos niyang maglabas ng mga emosyonal na post tungkol sa kanyang relasyon
  • Binura niya ang kanyang mga post at humingi ng dispensa sa publiko matapos lumabas ang iba't ibang espekulasyon
  • Sinabi niya na nagkausap sila ng kanyang partner para sa kapakanan ng kanilang anak at nagpasalamat sa mga sumusuporta sa kanya
  • Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Rita habang inaabangan ang susunod na mangyayari sa kanyang sitwasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan ngayon sa social media si Rita Gaviola, o mas kilala bilang "Badjao Girl," matapos niyang maglabas ng mga emosyonal na post tungkol sa kanyang personal na buhay. Marami ang nakapansin sa tila may pinagdaraanan ang dating Pinoy Big Brother housemate, na nagdulot ng espekulasyon tungkol sa estado ng kanyang relasyon sa kanyang partner.

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"
Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata" (PHOTO: Rita Gaviola - aka Badjao Girl'/Facebook)
Source: Instagram

Gayunpaman, makalipas lamang ang ilang oras ay binura rin ni Rita ang kanyang mga post at humingi ng dispensa sa kanyang mga tagasuporta. Ayon sa kanyang inilabas na pahayag, nagkausap sila ng kanyang partner para sa kapakanan ng kanilang anak.

Read also

Jam Villanueva, nagbahagi ng saloobin tungkol sa self worth at moving on

"Sorry guys sa pinost ko kahapon. Nag-usap naman po kami para lang sa bata. Ayun na lang po. Thank you po sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta palagi sa amin. Sana huwag po kayong magsawang suportahan ako," ani Rita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama't hindi malinaw kung tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa, maraming netizens ang nagpaabot ng suporta kay Rita. Patuloy namang inaabangan ng publiko ang anumang susunod na update tungkol sa kanyang kalagayan.

Si Rita Gaviola ay unang nakilala sa bansag na "The Badjao Girl of Lucena" nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 - Part 2: Teen Edition. Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Agad siyang nakilala sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan.

Si Rita ang nagwagi sa beauty contest sa isang episode nito sa "It's Showtime". Aniya, sumali siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino. Hindi rin niya ikinailang gusto niyang sumali sa iba pang pageant kagaya na lamang sa Miss Universe. Bukod sa kanyang pagsali sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition', unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang picture sa social media.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate