Miss Uíge pageant sa Angola, usap-usapan matapos magkagulo sa coronation night
- Nagkagulo sa coronation night ng Miss Uíge pageant sa Angola matapos magprotesta ng iba pang kandidata na hindi nanalo
- Makikita sa mga viral na video ang mga reaksiyon ng iba pang kandidata at mga tao sa audience matapos makoronahan ang kandidatang si Jandira Monteiro
- Matapos hiranging Miss Uíge 2022 si Monteiro, makikita ang ibang kandidata na pinaghahagis ang kanilang mga sash
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Mayroon pang dalawang babae na nakita sa mga lumabas na video na pinipilit agawin ang koronang nasa ulo na ng hinirang na Miss Uíge 2022
Viral ang video na kuha sa Miss Uíge pageant sa Angola matapos magprotesta ng iba pang kandidata na hindi nanalo. Mayroon pang dalawang babae nanakita sa mga lumabas na video na pinipilit agawin ang koronang nasa ulo na ng hinirang na Miss Uíge 2022.
Tinulungan naman ng dalawang security personel si Jandira Monteiro, ang hinirang na Miss Uíge 2022 para makaalis nang ligtas sa venue ng pageant.
Ang Uíge ang provincial capital city ng Northwestern Angola at ang tinanghal na Miss Uíge 2022 ang siyang magiging kinatawan ng kanilang lalawigan para sa gaganaping Miss Universe Angola 2022.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa inilabas na pahayag ni Miss Universe 2011 Leila Lopes, ang national director at presidente ng Miss Universe Angola, iimbestigahan umano nito ang nangyari pero dapat daw igalang ng mga kandidata ang desisyon ng hurado. Kung may mga reklamo, kailangang idaan ito sa legal na paraan.
Hindi naman na papayagang makasali pa sa susunod na mga beauty contest sa kanila ang mga kalahok na mapapatunayang nanggulo at nagpakita ng hindi magandang asal sa pagkakahirang kay Monteiro bilang Miss Uíge 2022.
Ang Miss Universe ay maituturing na isa sa apat na pinakamalalaking international beauty pageants. Ang gaganaping Miss Universe 2022 ay magiging ika-71 na Miss Universe pageant. Si Harnaaz Sandhu ng bansang India ang nakatakdang magsasalin ng kanyang korona para sa papalaring manalo sa MU ngayong taon.
Minabuti ni MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez na linawin ang mga isyung pinupukol sa kanya kaugnay sa hiwalayan nila ng kanyang dating karelasyon na si Kate Jagdon. Ito ay matapos ang pagbahagi niya ng picture kasama ang napapabalitang kasalukuyang karelasyon niya nitong Valentine's Day.
Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang mensahe si MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez para sa nanalong Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi. Aniya, proud siya para sa pagkapanalo ni Celeste. Naibahagi niya rin na magiging magaling na kinatawan ng Pilipinas si Celeste na hindi na rin baguhan pagdating sa pagsali sa beauty pageant.
Source: KAMI.com.gh