Vice Ganda, nirekomenda si Chito Miranda para maging judge sa Idol Philippines

Vice Ganda, nirekomenda si Chito Miranda para maging judge sa Idol Philippines

- Hindi na kasama si Vice Ganda sa panel of judges para sa Idol Philippines

- Ayon kay Ogie Diaz, kasama talaga dapat si Vice Ganda sa mga ito ngunit nabawasan umano ang excitement niya

- Ito ay nang malaman niyang hindi na niya makakasama umano si Sarah Geronimo na ayon kay Ogie ay hindi natuloy

- Mismong si Vice Ganda umano ang nagmungkahi na si Chito Miranda ang kunin bilang isa sa mga judge para may hatak pa rin umano sa masa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na natuloy si Vice Ganda sa kanyang pagiging hurado sa Idol Philippines dahil nabawasan umano ang ecitement nito. Ayon sa pahayag ni Vice Ganda nang makausap siya ni Ogie Diaz, gustong-gusto niya umanong makatrabaho si Sarah Geronimo ngunit hindi na natuloy ang pop star.

Read also

Vice Ganda, apat na taon nang walang kontrata sa ABS-CBN ayon kay Ogie Diaz

Vice Ganda, nirekomenda si Chito Miranda para maging hurado sa Idol Philippines
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Mismong si Vice Ganda umano ang nagmungkahi na si Chito Miranda ang kunin bilang isa sa mga judge para may hatak pa rin umano sa masa.

Sa kanyang hindi pagtuloy sa pagiging hurado sa Idol Ph, isa umano si Regine Velasquez sa nalungkot dahil wala na umano itong makakalaro. Para naman umano kay Moira dela Torre ay wala nang magtatanggol sa kanya tuwing may mang-ba-bash sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilinaw naman ni Vice na kahit hindi siya kasama sa show ay lagi niyang ipagtatanggol si Moira kagaya ng kanyang ginawa noong unang season ng Idol Philippines.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Diego Loyzaga, binati ni Cesar Montano at ng kanyang mga kapatid

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel