Vice Ganda, apat na taon nang walang kontrata sa ABS-CBN ayon kay Ogie Diaz

Vice Ganda, apat na taon nang walang kontrata sa ABS-CBN ayon kay Ogie Diaz

- Sa isang episode ng online show ni Ogie Diaz na Showbiz Update, naibahagi niya na nakausap niya si Vice Ganda at naitanong niya dito ang ilan sa mga lumalabas na isyu

- Kabilang na dito ang haka-hakang lilipat na siya sa kabilang estasyon lalo nang mailabas ang mga jugdes sa Idol Philippines at hindi siya kasama sa mga ito

- Ani Ogie, apat na taon nang walang kontrata sa ABS-CBN si Vice Ganda ngunit hindi nito iniwan ang network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ibinahagi rin niya kung ano ang sinabing dahilan ni Vice Ganda kung bakit hindi siya kasama sa panel of judges sa Idol Ph

Sa kabila ng lumabas na bali-balitang lilipat na si Vice Ganda, naibahagi ni Ogie Diaz sa kanyang online show na Showbiz Update na apat na taon na itong walang kontrata sa ABS-CBN ngunit hindi pa rin nito iniiwan ang network.

Read also

Ivana Alawi, makulit na nakipagtawaran sa tindera sa Thailand

Ayon daw kay Vice Ganda, kahit hindi siya lilipat ay nakikita naman na ang mukha ng mga artistang kagaya niya sa halos lahat ng TV network.

Vice Ganda, apat na taon nang walang kontrata sa ABS-CBN ayon kay Ogie Diaz
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Tungkol naman doon sa pamimigay niya ng pera kamakailan, nilinaw ni Ogie na nabagot lamang umano si Vice kaya pinamigay niya ang kanyang kinita sa isa niyang post. Taliwas ito sa espikulasyong kaya namimigay ng pera ang TV host ay dahil lilipat na ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi din niya kung ano ang sinabing dahilan ni Vice Ganda kung bakit hindi siya kasama sa panel of judges sa Idol Ph. Nabawasan umano ang excitement niya nang mapag-alamang hindi na matutuloy na maging judge si Sarah Geronimo.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Vice Ganda, nirekomenda si Chito Miranda para maging hurado sa Idol Philippines

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel