Bestfriend ni Toni Fowler, nagbabala kay Vince Flores na huwag sasaktan si Toni

Bestfriend ni Toni Fowler, nagbabala kay Vince Flores na huwag sasaktan si Toni

- Pinanuod ng bestfriend ni Toni na si Anthony Leodones ang video ng pagsagot ni Toni kay Vince Flores

- Kasama niya sa panunuod ang kanyang girlfriend na content creator din na si Jamie Bautista

- Binati nila sina Toni at Vince matapos nilang mapanuod ang video ngunit nagbahagi din ng kanyang payo si Anthony para sa dalawa

- Binalaan din nilang magkasintahan si Vince na huwag na huwag nitong sasaktan si Toni

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masaya ang bestfriend ni Toni Fowler na si Anthony Leodones para sa kanyang bestfriend matapos niyang mapanuod ang video ng pagsagot ni Toni kay Vince Flores. Kasama niya sa panunuod ang kanyang girlfriend na content creator din na si Jamie Bautista.

Bestfriend ni Toni Fowler, nagbabala kay Vince Flores na huwag sasaktan si Toni
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Hindi nila maitago ang kanilang tuwa para sa kanilang kaibigan na si Toni na hindi naging madali ang pinagdaanan matapos ang hiwalayan nila ni Rob Moya noong nakaraang taon.

Read also

Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"

Binati nila sina Toni at Vince matapos nilang mapanuod ang video ngunit nagbahagi din ng kanyang payo si Anthony para sa dalawa. Aniya sana ay patunayan nina Toni at Vince na worth it ang kanilang pagmamahalan. Matatandaang ilang buwan ding nanligaw si Vince kay Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binalaan din nilang magkasintahan si Vince na huwag na huwag nitong sasaktan si Toni. Matatandaang isa si Anthony sa naglabas ng kanyang sama ng loob kay Rob noong kasagsagan ng kaguluhan nila kamakailan. Nilabas niya rin ang kanyang sama ng loob kay Rob na aniya ay nangmaliit sa kanila ng kanyang girlfriend na si Jamie.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang magkarelasyon

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel