Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"

Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"

- Bumilib si Cristy Fermin sa hosting skills ni Toni Gonzaga

- Lalo na umano ang pagsampa nito sa entablado ng UniTeam sa loob ng ilang buwang pangangampanya

- Napag-alaman daw ni Cristy na wala umanong binabasa na teleprompter si Toni

- Nilarawan pa niya ang talino at husay nito na animo'y bayad daw ng milyon-milyon ang kada pangungusap na binibitawan nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminadong humanga umano si Cristy Fermin sa husay ni Toni Gonzaga sa hosting skills nito.

Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nabanggit ni Cristy sa bagong episode ng kanilang Showbiz Now Na! nina Romel Chika at Morly Alinio, na wala umanong kahit na anong binabasa si Toni Gonzaga sa tuwing sumasampa ito sa entablado para ikampanya ang UniTeam.

"Kausap ko 'yung mga kaibigan ko na sumilip sa pinakahuling Miting de Avance nila dito sa may Solaire. Sabi ng mga kaibigan ko, "Ang talino ni Toni Gonzaga."

Read also

Toni Fowler, hindi pa rin umano makapaniwalang may "jowa" na siya

"Wala pa lang binabasa si Toni kahit ano. Binigay nung scriotwriter nung show babasa... Ganun lang siya. Papasadahan lang niya. Aakyat na siya ng entablado. Grabe ang boses ni Toni parang bayad siya ng milyon-milyon per sentence"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin ay si Angel Locsin. Inamin pa ni Cristy na talagang naluluha pa umano siya tuwing makikita si Angel na kasama ang ama nito.

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel