Toni Fowler, hindi pa rin umano makapaniwalang may "jowa" na siya

Toni Fowler, hindi pa rin umano makapaniwalang may "jowa" na siya

- Sa isang tweet ay sinabi ni Toni Fowler na hindi pa rin siya makapaniwalang may jowa na siya

- Kasunod ito ng pagsasapubliko nila ni Vince Flores ng video kaugnay sa pagsagot niya kay Vince

- Bumuhos naman ang pagbati para sa dalawa na base sa kanilang vlog ay ilang buwan din bago naging opisyal na magkarelasyon

- Matatandaang nakaraang taon lang nang maghiwalay sina Toni at ang dati niyang karelasyon na si Rob Moya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila hindi pa rin makapaniwala si Toni Fowler na may boyfriend na siya. Sa isang tweet ay binahagi niya ang kanyang nararamdaman matapos ang aniya'y biglaang proposal ni Vince Flores.

Toni Fowler, hindi pa rin umano makapaniwalang may jowa na siya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanilang vlog ay makikitang nabigla si Toni dahil sa sorpresa ni Vince sa kanya bago ang nakatakda nitong operasyon sa clinic kung saan sila nagpapagawa ng kanilang mga cosmetic surgery.

Read also

Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"

Bumuhos naman ang pagbati para sa dalawa na base sa kanilang vlog ay ilang buwan din bago naging opisyal na magkarelasyon. Narito ang ilan sa mga pagbati ng netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When Tito Vince said: Hindi ito yung pinaka mahal na singsing sa boung mundo, pero ikaw yung pinaka mahal kong babae sa buong mundo. Sobrang kinilig ako! Congrats Team OniNce
Official na! May god give you a long relationship @TiToVince79. Pls take care mameh and tyronia also toro fam and still weyting kay baby Tyronia. hahaha wag ka sana mag bago otits till death.
You deserve each other. Alagaan nyo ang isat isa at maging open kayo sa lahat ng bagay . Sana sa susunod sa simbahan naman. Yun naman ang aabangan ko. Ilove you both and also Tyronia and Toro Family. Lagi kayong nandyan para kay Mommy Oni magiging masaya na din siya sa tagal ng panahon eto na!

Read also

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang magkarelasyon

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel