Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang magkarelasyon

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang magkarelasyon

- Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Toni Fowler sa publiko na opisyal na silang magkarelasyon ni Vince Flores

- Agad umani ng mga komento at reaksiyon ang pagsasapublikong ito ng dalawa sa kanilang relasyon

- Matatandaang matapos maghiwalay nina Toni at Rob Moya, si Vince ang lagi nitong nakakasama

- Matagal na ring isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa panliligaw ni Vince kay Toni at sa paghintay umano niya na maging handa si Toni na sagutin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga tagasuporta ng ToRo fam ang natuwa para kina Toni Fowler at Vince Flores dahil sa wakas ay opisyal na silang magkarelasyon. Agad na nag-viral ang pagsasapubliko ni Toni ng relastionship status nila ni Vince.

Toni Fowlewr at Vince Flores, opisyal nang magkarelasyon
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Matatandaang matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nina Rob Moya at Toni, si Vince ang nakasama at naging karamay ni Toni. Maging hanggang sa muling nagkaayos sina TOni at Rob, nanatiling masigasig sa panliligaw at pagsuporta si Vince base sa kanilang mga vlogs.

Read also

Singer/Songwriter ng "Rosas", emosyonal sa thanksgiving rally ng 'Leni-Kiko tandem'

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Kamakailan lang ay hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Viy Cortez, inaming hindi selosa; "Talagang wala kaming naging issue"

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel