Viy Cortez, inaming hindi selosa; "Talagang wala kaming naging issue"

Viy Cortez, inaming hindi selosa; "Talagang wala kaming naging issue"

- Naikwento ni Viy Cortez na talagang wala silang naging issue ni CongTV pagdating sa kanilang relasyon

- Natanong kasi siya ni Toni Gonzaga kung siya ba ay selosa, at sinagot niyang hindi

- Hindi raw kasi siya binibigyan ng dahilan ni Cong para magselos

- Isa ang tambalan nina CongTV at Viy Cortez sa mg sinusubaybayan at hinahangaan sa YouTube

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala raw naging issue sina Lincoln Velasquez, kilala bilang si CongTV at nobya nitong si Viy Cortez sa kanilang relasyon.

Viy Cortez, inaming hindi selosa; "Talagang wala kaming naging issue"
Viy Cortez at Cong Velsquez (@viycortez)
Source: Facebook

Isa ito sa mga naikwento ni Viy sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga Sa Toni Talks episode na ipinalabas ngayong Mayo 15.

Natanong ni Toni kung selosa daw ba si Viy lalo na at matagal na ang kanilang relasyon ni Cong.

Agad naman itong sinagot ni Viy na hindi raw kasi siya binibigyan ng rason ni Cong na magselos.

Read also

Rowena Guanzon sa meeting niya kina Marcos at Romualdez: "Di puwedeng kontra lang"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi kasi ako binibigyan ni Cong ng dahilan e, para magselos e. Kasi talagang wala, wala kaming naging issue ma'am noon pa 'yung mga kunwari may mga nagiging... nahuhuli kong may ka-chat or mga ano. Wala e!" paliwanag ni Viy.

Dahil dito, hindi naiwasang humanga at mapakomento ng mga netizens na nasubaybayan din ang iba pang buhay ng mga vlogger couples na nauwi sa hiwalayan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sa interview na ito, makikita mo ang kababang loob ni Viy. Panay ang 'po at opo' at 'ma'am' ang tawag kay Toni. No wonder kaya blessed sila ni Cong"
"Sobrang enjoy ang interview na ito at kapupulutan ng aral. Lalo na yung part na hindi siya binibigyan ng dahilan ni Cong na magselos. Such a responsible, loving and repectful man! Bilib ako sa inyo"

Read also

Buboy Villar, binati ang kanyang ex na si Angillyn Gorens sa Araw ng mga Ina

"Sincere at talagang masaya lang talaga ang CongViy at Team Payaman. Kaya naman pinagpapala sila kasi mabubuti silang tao na maraming natutulungan at nai-inspire"

Samantala, narito ang bahagi ng panayam ni Toni kay Viy na ibinagi rin ng Isyus:

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Matatandaang umalma kamakailan si Cong sa umano'y fake news na kumalat at sinabing isa sila sa mga personaildad na sumusuporta sa UniTeam noong panahon ng kampanya.

Bago pa man maglabas ng pahayag si Cong ukol dito, nauna nang nasabi ng kasama nila sa Team Payaman na si Vien Ilagan na walang katotohanan ang ngayo'y burado nang post.

Gayundin si Blaster Silonga na sinabing kailanman'y hindi mangyayari na mapabilang sila sa nasabing ganap.

Read also

Ogie Diaz, inusisa ang pagkikita nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Itinodo naman ni Allan Burdeos ang paliwanag kung bakit walang katotohanan ang kumakalat na balita.

"Gusto ko lang tahimik at hindi ma involve sa mga ganitong bagay, kaso kailangan namin gawan to ng aksyon. WE ARE NOT FOR SALE!" ayon kay Burdeos.

Maging ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ay pinabulaanan din na kasama sila sa mga musicians na bahagi ng nasabing campaign rally.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel