Buboy Villar, binati ang kanyang ex na si Angillyn Gorens sa Araw ng mga Ina

Buboy Villar, binati ang kanyang ex na si Angillyn Gorens sa Araw ng mga Ina

- Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, hindi kinaligtaan ni Buboy Villar na batiin ang ina ng kanyang mga anak na si Angillyn Gorens

- Pinasalamatan niya ito dahil umano sa pagiging Wonderwoman niya para sa mga anak nilang sina Vlanz at George

- Pinasalamatan naman siya ni Angillyn at tinawag siyang Robert na sinagot naman ni Buboy at tinawag siyang Angelica

- Kasalukuyang nasa poder ni Angillyn ang dalawang anak nila matapos dalhin ang mga ito doon para ayusin ang kanilang citizenship

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit magkahiwalay na ay marami ang naaliw sa maayos na turingan nina Buboy Villar at ex nito at ina ng kanyang mga anak. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, hindi kinaligtaan ni Buboy na si Angillyn Gorens.

Buboy Villar, binati ang kanyang ex na si Angillyn Gorens sa Araw ng mga Ina
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Pinasalamatan niya ito dahil umano sa pagiging Wonderwoman niya para sa mga anak nilang sina Vlanz at George. Pabiro pa niyang sinabi na naroon lang siya palagi sa likod para magtago.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Pinasalamatan naman siya ni Angillyn at tinawag siyang Robert na sinagot naman ni Buboy at tinawag siyang Angelica.

Matatandaang base sa mga binahaging vlog ni Buboy, naroroonang dalawa nilang anak sa poder ni Angillyn para ayusin ang citizenship ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Instagram post, binati naman ni Angillyn ang mga kagaya niyang single mom.

Being a mother is a endless job, but I wouldn’t change it for nothing in the world. Happy Mother’s Day to all us mothers! Especially to the single mommies like me!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel