Zeinab Harake, balik trabaho na matapos ang pagsasapubliko niya ng paghihiwalay nila ni Skusta Clee

Zeinab Harake, balik trabaho na matapos ang pagsasapubliko niya ng paghihiwalay nila ni Skusta Clee

- Sa kanyang bagong Youtube video, binahagi ni Zeinab Harake ang kanyang pagbabalik trabaho

- Ito umano ang una niyang trabaho matapos ang kanyangnakakalungot na pinagdaanan

- Makikita sa kanyang bagong video na masaya na ito at palabiro kagaya sa nakasanayan sa kanya ng kanyang mga tagapanood

- Ayon kay Zeinab, marami at sunod-sunod pa ang mga trabahong nakatakda niyang gawin sa susunod na mga araw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masaya ang mga tagahanga ni Zeinab Harake na sa wakas ay unti-unti na itong bumabalik sa dating masayahin at palabiro niyang ugali. Matatandaang sa kanyang mga nakaraang mga post at videos ay nagiging emosyonal siya sa kanyang pinagdaanan.

Zeinab Harake, balik trabaho na matapos ang pagsasapubliko niya ng paghihiwalay nila ni Skusta Clee
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Ayon kay Zeinab, marami at sunod-sunod pa ang mga trabahong nakatakda niyang gawin sa susunod na mga araw. Marami sa mga subscribers niya ang nagpahayag ng kanilang suporta sa tuloy-tuloy na pagbangon ni Zeinab:

Read also

Content creator na si Makagago, pinanindigan na scripted ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee

Appreciate what you have in life, such as your children and your career. Whatever you do not have are things that you can actually do without.
Salute to this woman, kahit anong problemang dumaan nagagawa pa rin maging strong and lovable. Keep it up ateee, we love youu

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Im amazed at ate zeinab na being strong for her baby and madalas na syang nakakapagupload Ng vlogs nya dun palang Ang lakas lakas mo na ate kaya Sana more vlogs and endorsements to come

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Sa isa sa kanyang huling vlog, hindi din napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Read also

Music video ng kanta nina Gloc-9 at Skusta Clee, kabilang sa trending YouTube videos

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel