Kapatid ni Zeinab Harake, sobrang nasasaktan sa dinanas ng kanyang ate

Kapatid ni Zeinab Harake, sobrang nasasaktan sa dinanas ng kanyang ate

- Hindi maitago ng kapatid ni Zeinab Harake na si Rana Harake ang kanyang sama ng loob matapos ilabas ni Zeinab ang tungkol sa nangyari sa kanila ng kanyang mga anak

- Ani Rana, masakit sa kanya na makita ang ate niya na nahihirapan sa araw araw matapos nilang maghiwalay ni Skusta Clee

- Ipinagmamalaki niya na sa kabila ng mga nangyari sa kanyang ate ay sobrang tapang at tatag pa rin umano nito

- Palagi niya raw sasabihin sa kanyang mga pamangkin kung gaano sila kaswerte na magkaroon ng inang kagaya ni Zeinab

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maglabas ng saloobin ang kapatid ni Zeinab Harake na si Rana Harake. Ito ay matapos isapubliko ni Zeinab sa unang pagkakataon na isa na nga siyang single mother.

Kapatid ni Zeinab Harake, sobrang nasasaktan sa dinanas ng kanyang ate
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Marami ang naantig sa kwento ni Zeinab na emosyonal din habang ibinahagi ang kanyang dinanas bago sila tuluyang magkahiwalay ni Skusta Clee.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Ani Rana, masakit sa kanya na makita ang ate niya na nahihirapan sa araw araw matapos nilang maghiwalay ni Skusta Clee. Ipinagmamalaki niya na sa kabila ng mga nangyari sa kanyang ate ay sobrang tapang at tatag pa rin umano nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Palagi niya raw sasabihin sa kanyang mga pamangkin kung gaano sila kaswerte na magkaroon ng inang kagaya ni Zeinab.

Sobrang sakit sa part ko bilang kapatid na makita siya na nahihirapan sa araw araw. Alam mo kung gaano ako ka proud sayo at palagi kong sasabihin sa mga anak mo na napakaswerte nila sa mom nila dahil meron silang strong mommy. You deserve so much more that what you have now.

Kagaya ni Zeinab, isa ding YouTuber si Rana.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel