Toni Fowler, natuwa sa mga komento matapos niyang maghayag ng suporta kay BBM

Toni Fowler, natuwa sa mga komento matapos niyang maghayag ng suporta kay BBM

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Toni Fowler ang isang video kung saan kasama niya si Toni Gonzaga

- Makikita ang kanyang pagsasayaw at pagli-lipsync ng awiting palaging kinakanta ni Andrew E sa UniTeam rally

- Naghayag din siya ng kanyang suporta para kay dating senador Bongbong Marcos sa kanyang caption

- Nagpasalamat naman si Toni sa positibong komento ng ilang netizens na iba ang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos niyang maghayag ng kanyang suporta para kay dating senador Bongbong Marcos, ibinahagi ni Toni Fowler ang kanyang pasasalamat sa ilang netizens. Aniya, masaya siyang makabasa ng mga mensaheng positibo kahit magkaiba sila ng kandidatong sinusuportahan.

Toni Fowler, natuwa sa mga komento matapos niyang maghayag ng suporta kay BBM
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Masaya siyang nanaig pa rin ang respeto sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala.

puro halos ganito comments na nababasa ko. Nakakatuwa kasi hindi ito dahilan para mag ka gulo tayo mga bessy ko. Magkaiba man tayo ng sinusuportahan, maraming salamat sa Respeto. Maraming salamat. Mahal ko kayo

Read also

Zeinab Harake, nag-post ng bahagi ng kanyang pahayag sa Toni Talks

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Toni Fowler ang isang video kung saan kasama niya si Toni Gonzaga. Makikita ang kanyang pagsasayaw at pagli-lipsync ng awiting palaging kinakanta ni Andrew E sa UniTeam rally.

Narito ang ilan sa mga komento ng ilang netizens:

Yes po mommy. Ako kakampink pero nagustuhan ko tiktok mo na bbm hindi kasi dapat mag away away dapat mag tulungan.
Yes to respect .... khit cno man ang bet n kandidato ng bwat isa .... Tau pa dn ang mag sisikap para mkatawid s pang araw2 .... Cno man ang manalo s posisyon dasal natin lahat maresolba ang pandemya at taas ng bilihin, bills, pamasahe, gas at iba pa
Dami mopo palang supporters na leni pero never kapong hinate kase di naman po yun yung reason para ihate ka kase iba iba naman po talga ang pananaw o opinion ng tao

Read also

Skusta Clee, nag-post sa kauna-unahang pagkakataon matapos magsalita ni Zeinab Harake

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel