Rob Moya, muling nagpadala ng bulaklak para kay Toni Fowler

Rob Moya, muling nagpadala ng bulaklak para kay Toni Fowler

- Aminado si Rob Moya na bothered umano siya sa ginawa ni Toni Fowler sa pinadala niyang bulaklak

- Gayunpaman, hindi ito tumigil at muli siyang nagdala ng bulaklak at iniwan sa guard para maibigay kay Toni

- Aniya, hindi naman niya sinasabing gusto niya maging karelasyon uli si Toni ngunit gusto lang umano niya magkaayos sila

- Dagdag pa ni Rob, kinakabahan umano siya at baka itapon uli ni Toni ang binigay niyang bulaklak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong vlog, hindi pa rin tinatantanan ni Rob Moya si Toni Fowler. Muli siyang nagpadala ng bulaklak sa kabila ng ginawa ni Toni sa nauna niyang binigay na bulaklak kamakailan.

Rob Moya, muling nagpadala ng bulaklak para kay Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Aminado si Rob na bothered umano siya sa ginawa ni Toni Fowler sa pinadala niyang bulaklak. Ngunit aniya, nais lamang niyang magkaayos sila uli at hindi naman umano niya inaasahang magkakabalikan sila.

Read also

Ellen Adarna, tinawag na "pitbull" ang mister na si Derek Ramsay

Ayon pa kay Rob, kinakabahan siya na baka itapon na naman ni Toni ang bulaklak na bigay niya.

Matatandaang nag-viral ang TikTok video ni Toni kung saan itinapon niya ang bulaklak na galing kay Rob. Aniya, hindi na siya uto-uto kagaya noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami sa viewers ni Rob ang nagpayo sa kanya na tigilan na muna si Toni:

Daddy Rob Love your self first Kaya mo namang mabuhay kahit walang babae Magaling ka ring Vlogger kaya mong lahat kahit wala c Mami Toni….Mag Vlog ka sana about cooking. Marami ka pang dapat gawin mag focus ka sa sarili mo at sa mga totoong kakampi mo….Stay Strong
Hindi mo sya comfort zone, you are just having a comfortable life when you are with her. Pero naniniwala akong kaya mong wala sya at may taong mas bagay para sayo, someone na bibigyan ka ng sarili mong family, yung magpapasaya sayo genuinely.

Read also

Toni Fowler, tinapon ang pinadalang bulaklak ni Rob Moya

Daddy rob mag focus ka muna sa career o business mo..ayusin mo sarili mo..ipakita mo sa mga basher mo na kaya mong umangat ng sarili mo lang.pag nagawa mo yun magiging proud ka sa sarili mo.pag ok na ang lahat At successful kana saka ko balikan si momi oni If she’s still single at least at that time may maipag mamalaki kana sa kanya.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: