Toni Fowler, tinapon ang pinadalang bulaklak ni Rob Moya

Toni Fowler, tinapon ang pinadalang bulaklak ni Rob Moya

- Sa isang TikTok video, pinakita ni Toni Fowler ang kanyang reaksiyon sa pinadalang bulaklak ni Rob Moya

- Sa simula ng video ay pinakita ni Toni Fowler na parang tuwang-tuwa siya sa pagiging sweet ng kanyang ex

- Gayunpaman, kasunod niyon ay nagtungo siya sa tapunan ng basura at inihagis ang bouquet ng puting bulaklak

- Nabanggit pa ni Toni ang kanyang pagiging uto-uto umano noong 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga tagasuporta ni Toni Fowler ang natuwa na makitang pinanindigan ni Toni ang kanyang mga naunang sinabi. Hindi ito nag-atubiling itapon sa basurahan ang bulaklak na pinadala umano ni Rob Moya.

Toni Fowler, tinapon ang pinadalang bulaklak ni Rob Moya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa simula ng video ay pinakita ni Toni Fowler na parang tuwang-tuwa siya sa pagiging sweet ng kanyang ex kaya naman ayon sa mga viewers ay muntik na silang magalit kay Toni. Mabuti na lang umano at tinapos nila ang video at nakita kung paano niya tinapon ang bulaklak.

Read also

BF na nag-bike mula QC hanggang Bicol makasama lang ang mag-ina, sinurpresa ng RTIA

Nabanggit pa ni Toni ang kanyang pagiging uto-uto umano noong 2018. Matatandaang 2019 nang naging kontrobersiyal si Toni matapos madawit sa hiwalayang Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mommy Oni muntik na ako magalit sayo buti na lang tinapos ko panunuod.
Nagsisimula na sana sumikip dibdib ko kasi iniisip ko si Tito Vince . Buti tinapos ko. Galing Mommy Oni.
Maiinis na sana ako mommy buti nalang tinapos ko yung hanggang dulo sabay tawa hahah! Sana kayo nalang ni Tito Vince pls

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel