Zeinab Harake, naka-unfollow na sa Instagram account ni Skusta Clee

Zeinab Harake, naka-unfollow na sa Instagram account ni Skusta Clee

- Kasunod ng kanyang pagbahagi ng balitang nakunan siya sa ikalawang baby niya, agad na nag-trending sa social media si Zeinab Harake

- Marami din ang nakapansin na hindi nito nabanggit ang kanyang partner na si Skusta Clee

- Ang pangalang nakalagay sa urn ay Baby Moon Harake na naging palaisipan sa ilang netizens

- Naging maugong lalo ang usap-usapan matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na rin si Zeinab sa Instagram account ni Skusta Clee

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa pag-unfollow ni Zeinab Harake sa Instagram account ni Skusta Clee, napansin din ng mga netizens na hindi na nakikita sa kanyang Instagram posts. Kasunod ito ng kanyang pagsasapubliko ng pagkawala ng kanyang ikalawang baby na pinangalanan nilang Baby Moom Harake.

Zeinab Harake, naka-unfollow na sa Instagram account ni Skusta Clee
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa kanyang post, hindi din nabanggit ni Zeinab ang kanyang partner. Tanging sila ng kanyang anak na si Bia ang kanyang nabanggit sa kanyang pot.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. be our forever angel mommy loves you so much.

Bumuhos ang pagpapaabot ng mensahe ng pagsuporta kay Zeinab lalo at marami sa mga netizens ang nag-aalala na baka may pinagdadaanan din ang relasyon nila ni Skusta Clee. Maging ang mga kasamahan niyang content creators ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay at pagsuporta kay Zeinab.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago tuluyang magkaroon ng anak, matatandaang naging masalimuot din ang pinagdaanan ng kanilang relasyon. Matapos nilang magkahiwalay ay nagkabalikan sila hanggang sa nagkaroon sila ng anak noong nakaraang taon.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Alex Gonzaga, napaniwala si Small Laude at kanyang mister sa kanyang "Pautang Prank"

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel