TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter

TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter

- Umamin ang TikTok star na si Christian na gumagamit umano siya ng filter sa kanyang mga pictures at videos

- Marami kasi ang nakakapansing nahahawig siya sa Korean actor na si Lee Dong-Wook

- Dahil sa kanyang mala-oppa looks, nagkaroon na rin siya ng endorsements

- Inaamin naman niya sa mga kliyente na gumagamit siya ng filter kaya naman sinasabing halos perpekto ang kanyang mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena Sa TikTok ang 21-anyos na taga Negros Oriental na si Christian dahil sa kanyang mala-Korean na mukha.

Nalaman ng KAMI na sinasabing malaki raw ang pagkakahawig nito sa Korean actor na si Lee Dong-Wook lalo na raw kung naka-side view.

TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter
TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter (Photo from KMJS)
Source: Facebook

Mapupungay na mga mata, glass skin at matangos na ilong kasi si Christian at moreno pa rin ang kutis kaya naman litaw pa rin ang pagiging Pinoy.

Read also

Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa: "Hindi ako handa"

Ito ay dahil umano sa filter na ginagamit niya na siyang nakakapag-enhance ng bawat anggulo ng kanyang mukha sa camera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

January lang ngayong 2022 nang magsimulang mag-upload ng videos si Christian sa TikTok subalit lumobo na agad sa 200,000 ang kanyang followers lalo na iyong mga KPop fans.

Dahil dito, kabi-kabila na rin ang natatanggap ni Christian. Naroon na makatanggap siya ng mga skin care products at mga damit.

Naging endorser na rin siya ng hair product na siyang naging daan para makapagpatayo ng sari-sari store, makabili ng baboy at magkaroon ng ipon.

Natural at walang ipinaretoke sa kanyang mukha at pawang ang filter lamang ng camera niya ang kanyang inaasahan.

Sinasabi naman niya ito at hindi siya nagsisinungaling lalo na sa mga kumukuha sa kanya para sa ilang projects.

Read also

Viral misis na nagbenta ng gamit ng umano'y nang-iwan na mister, 3 beses iniwan at binalikan

Narito ang kabuuan ng kwento ni Christian mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica