Vice Ganda, pinakita ang kanyang pagbukas ng mga natanggap na regalo sa kanyang kaarawan

Vice Ganda, pinakita ang kanyang pagbukas ng mga natanggap na regalo sa kanyang kaarawan

- Sa kanyang bagong video, pinakita ni Vice Ganda ang kanyang unboxing ng mga regalong kanyang natanggap para sa kanyang kaarawan

- Kasama niya ang dalawang kaibigan at ang Hashtags member na si Wilbert Ross sa kanyang pag unbox ng mga regalo

- Hindi mapigilan ni Vice na mapatili sa kanyang mga natanggap na regalo na sobra niya umanong na-appreciate

- Bukod sa ilang mga BTS merchs, marami din siyang natanggap na mamahaling jacket, bags at sapatos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang-masaya si Vice Ganda sa kanyang mga natanggap na regalo para sa kanyang kaarawan. Karamihan sa mga natanggap niya ay mga mamahaling jacket, bags at sapatos.

Vice Ganda, pinakita ang kanyang pagbukas ng mga natanggap na regalo sa kanyang kaarawan
Vice Ganda (@praybeytbenjamin
Source: Instagram

Bukod sa mga branded na mga gamit, ikinatuwa niya rin ang BTS merchs na kanyang natanggap mula sa malalapit na kaibigan.

Isang speaker naman ang binigay sa kanya ng kanyang co-host sa It's Showtime na si Vhong Navarro. Hindi mapigilan ni Vice na mapatili sa kanyang mga natanggap na regalo na sobra niya umanong na-appreciate.

Read also

TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter

Para naman sa kanyang mga viewers, deserve umano ni Vice ang mga blessings na kanyang natatangap:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Keep inspiring and motivating us ,meme vice.. u deserve everything. .stay pretty and fabulous always.. wishing u all the best in life with kuya ion. ❤️ We love you.. from koronadal city south cotabato.. hoping to see you in person meme.
Sarap regaluhan ni Vice kung ganyan kasaya yung reaction niya sa bawat regalong natanggap niya. Hahahah Di ka talaga manghihinayang gumastos ng mahal sa kanya kahit na afford naman niya.
Deserve na deserve mo yan meme, and tama ka, kung hindi ka naman mabait hindi ka bibigyan nang bonggang gifts, sensya na ah love and support lang ang kaya kong iregalo hehe, ingat ka palagi

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate