Video ni KaladKaren na kabiruan si Karla Estrada tungkol sinusuportahang pangulo, viral

Video ni KaladKaren na kabiruan si Karla Estrada tungkol sinusuportahang pangulo, viral

- Viral ang video ni KaladKaren na kasama ni Karla Estrada na kabiruan niya ukol sa sinusuportahang presidente

- Kilala si KaladKared sa pagiging Kakampink at nadadalas na rin ang pagsama niya sa mga campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem

- Samantala, si Karla Estrada naman ay kinatawan ng Tingog Party list at suportado naman ang kandidatura ni Bongbong Marcos

- Gayunpaman, love pa rin nila ang isa't isa at kitang-kita ito sa kanilang viral video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa viral video ng impersonator na si KaladKaren kung saan kasama niya si Karla Estrada.

Video ni KaladKaren na kabiruan si Karla Estrada tungkol sinusuportahang pangulo, viral
Jervi Li o mas kilala bilang si 'KaladKaren' (Photo from KaladKaren)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay bahagi ng motorcade nila sa pagbubukas ng branch ng KFC nina Karla at anak na si Daniel Padilla.

Sa unang bahagi ng video makulit na hiniyaw ni KaladKaren ang 'BBM' na initials ng presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Read also

Pag-indak ni VP Leni Robredo ng Mangyan traditional dance, viral

Natawa naman si Karla gayung ito umano ang sinusuportahan niyang presidente samantalang si KaladKaren ay sumusuporta naman sa mahigpit na katunggali nito sa pagka-pangulo na si Vice President Leni Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isinigaw din nila ang 'Tingog' na umano'y party list na kinakatawan ni Karla.

Nang mapadaan naman sa bahay na pink at may posters ng 'Leni-Kiko tandem,' itinuro naman ito ng asawa ni KaladKaren.

"True! Ito talaga ako eh! Hello mga Kakampink... Totoo 'yan ah!" ang komento naman ng komedyante.

Narito ang kabuuan ng TikTok video na may caption na "Kahit magkaiba kami ng presidente ni Mamshie Karls, we still love each other":

Si Jervi Li o mas kilala bilang si Kaladkaren ay isang transwoman na kilala sa pag-impersonate sa respetadong broadcaster na si Karen Davila.

Nag-viral ang mga video niya ng panggagaya kay Karen Davila at dahil bukod sa pananamit at kuhang-kuha rin nito ang boses ng news anchor.

Read also

Ion Perez, nagkunwaring naaksidente para sa surpresang birthday party kay Vice Ganda

Samantala, isa rin si Kaladkaren sa mga hayagang nagbibigay suporta kay Vice President Leni Robredo.

Kamakailan, naging bahagi siya ng munting programa ng campaign rally ni VP Leni sa Rizal. Dinaluhan ito ng tinatayang nasa 43,000 katao sa kabila ng walang humpay na pag-ulan nang araw na iyon. Nakasama niya si 'SimpLeni' ang impersonator naman ni Robredo na kasama rin sa campaign rally.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica