Toni Fowler, muling isinugod sa ospital matapos makaramdam ng pagkahilo

Toni Fowler, muling isinugod sa ospital matapos makaramdam ng pagkahilo

- Muling isinugod sa ospital si Toni Fowler matapos umano makaranas ito ng pagkahilo at pagsusuka

- Dinala siya ng kasamahan sa ToRo Fam na si Vince Flores at binantayan na rin habang naghihintay ng resulta ng mga test na ginawa sa kanya

- Normal naman umano lahat ng resulta ng mga test na ginawa sa kanya kaya nakauwi din ito at hindi na naadmit

- Ayon sa doktor, maaring dahil sa kanyang pag-diet at stress ang dahilan ng pagkahilo at pagkakahimatay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isinugod na ni Vince Flores si Toni Fowler sa ospital dahil sa naranasan nitong pagkahilo at pagsusuka. Binantayan na rin siya ni Vince sa ospital habang naghihintay ng resulta ng mga test na ginawa sa kanya.

Toni Fowler, muling isinugod sa ospital matapos makaramdam ng pagkahilo
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kabutihang palad ay normal naman ang mga resulta ng tests sa kanya kaya nagpasya siyang umuwi na lang kahit sinabi ng doktor na magpaadmit na siya para maobserbahan siya.

Read also

Rob Moya, pumalag sa mga komento matapos siyang masuntok ni "Bad boy ng Cebu"

Maaring dahil umano sa kanyang pag-da-diet at stress kaya siya nakakaranas ng pagkahilo at pagkakahimatay.

Kapag hindi pa rin umano ito gumaling matapos ang pag-inom niya ng gamot na nireseta sa kanya ay babalik sila sa ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa kanilang fans ang nagpasalamat kay Vince sa pag-aalaga nito kay Toni:

Thank you po Tito Vicente for taking care of Mommy Oni Sana ipagpatuloy mo pa po yan na gawin kay Mommy Oni at wag kang mapapagod po
Get well very soon Mommy Oni, ingatan ang sarili wag masyado pakapagod . Thanks Tito Vince sa pag aalaga kay Mommy Oni
Thank Tito Vince sa pag alaga kay Mommy Oni your the best,Vicente

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Ejay Falcon, bukas parin ang pinto sa pagbabalik showbiz manalo man sa eleksyon

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel