Basel Manadil at kanyang ama, nagkita na matapos ang 10 taon
- Ibinahagi ni Basel Manadil ang kanilang muling pagkikita ng kanyang amang isang Syrian National
- 10 taon silang hindi nagkita nang personal simula nang mapadpad siya sa Pilipinas noong siya ay 18 taong gulang pa lamang
- Dahil sa kaguluhang nangyari sa Syria noon ay nagkahiwa-hiwalay silang magpapamilya
- Kaya naman, walang mapagsidlan ang tuwa ng mag-ama sa muli nilang pagkikita
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi maitago ng vlogger na si Basel Manadil ang kanyang tuwa sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama na huli niyang nakasama noong 18 taong gulang pa siya bago siya ipadala sa Pilipinas. Matapos ang 10 taon ay nagkita silang muli at nakatakdang makasama ang iba pa nilang pamilya.
Ani Basel, nagka-hiwa-hiwalay sila dahil sa gulo noon sa kanilang bansa. Ngunit pinanghawakan niya umano ang pangako ng kanyang ama na magkikita silang muli.
From France, to Syria, to the Philippines! The last time I saw my dad was when he dropped me in the airport in Beirut going to the Philippines.. At that time we hugged each other and he told me "Son, I'll see you soon". I believed him, But never knew that "Soon" would be not that soon. I was 18 years old back then, Now I'm 28 years old. Due to what happened in our homeland, we were scattered and it made us difficult to meet. But the time has come, and soon will be reuniting with the whole family. Dad, You are the reason I'm able to help more and more Filipinos .
Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa mag-ama:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
So happy for you Basel.. Finally you can show them the fruit of your labor here in the Philippines.. Your father seems to be a funny and happy guy, can't wait for more videos of you and him together. . Good luck and God bless you always
Love watching this sweet reunion with your Dad. I am so happy for you both. I think you got your positive outlook and cheerful attitude from him. I can feel the deep love between you two and how much you miss each other. Just maximize the time you have and live it to the fullest and make lots of sweet memories.
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Kamakailan ay nagbahagi siya ng P10,000 sa mga vendor na tumulong sa kanya. Ibinahagi niya ito sa kanyang YouTube channel.
Marami din ang naantig sa pagtulong ni Basel sa isang pedicab driver na isa ding PWD.
Source: KAMI.com.gh