Diego Loyzaga, nakasama ang amang si Cesar Montano matapos ang 7 taon

Diego Loyzaga, nakasama ang amang si Cesar Montano matapos ang 7 taon

- Ibinahagi ni Diego Loyzaga ang ilang mga pictures kung saan kasama niya ang kanyang amang si Cesar Montano matapos ang 7 taon na hindi sila nagkikita

- Nagbonding ang mag-ama sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball at masaya itong binahagi ni Diego

- Inihingi niya rin ng dispensa sa ama ang kanyang pabigla-biglang mga desisyon na aniya ay dala ng kanyang kabataan

- Babawi umano siya sa lahat ng panahong nasayang dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan noon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang pitong taon na hindi sila nagkita, masayang ibinahagi ni Diego Loyzaga na nakasama niya at nakalaro niya pa sa basketball ang amang si Cesar Montano. Kalakip ng kanyang mga binahaging pictures nilang mag-ama ay ang kanyang madamdaming mensahe.

Diego Loyzaga, masayang binahagi na muli silang nagkasama ng amang si Cesar Montano
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Inihingi ni Diego ng dispensa ang kanyang mga nagawang desisyon noon na aniya ay dala lamang ng kanyang kabataan. Gayunpaman, aniya ay babawi siya sa lahat ng oras na nasayang.

Read also

Maggie Wilson, umalma dahil hindi pinakita sa kanya ang birthday photos ng anak

7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, i would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.

Nagbahagi din siya ng payo na dapat ay pahalagahan ang mga mahal sa buhay dahil ang buhay ay walang kasiguraduhan. Aniya, habang tumatanda siya, naisip niya na sana ay kayang maayos ang mga problema sa pamamagitan lang ng paghingi ng dispensa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the worlds problems. Just peace and love and nothing else matters

Read also

Kris Aquino, ibinahaging naging matagumpay ang unang dose ng kanyang injection

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel