Maggie Wilson, umalma dahil hindi pinakita sa kanya ang birthday photos ng anak

Maggie Wilson, umalma dahil hindi pinakita sa kanya ang birthday photos ng anak

- Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie Wilson ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Connor

- Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie

- Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila

- Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang araw lang matapos ang birthday celebration ng anak ni Maggie Wilson, nagbahagi ng saloobin si Maggie kaugnay sa umano'y pagkokontrol sa kanya. Ito ay matapos niyang makatanggap ng mensahe mula sa studio na kumuha ng mga birthday pictures ng kanyang anak.

Read also

Sara Duterte sa umano'y 'di pagdalo sa mga debate; "As of the moment, there is no comment"

Maggie Wilson, dismayado dahil hindi pinakita sa kanya ang birthday photos ng anak
Photo: Maggie Wilson (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Sa ibinahaging screenshot ng pag-uusap nina Maggie at ng studio, nakatakda na sanang ipadala sa kanya ang mga litrato.

Gayunpaman, sa sumunod na mga mensahe, humingi ng dispensa ang studio dahil pinabura umano ang kanilang post at bawal din umano silang mag-send ng pictures ayon na rin sa utos ng taong itinago niya ang pagkakakilanlan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Minabuti ni Maggie na takpan na lamang ang pangalan nito. Sa sumunod niyang story, sinabi ni Maggie na ito ang kanyang pinagdadaaanan kahit noon pa man.

“Another day… You might think everything is nice and peachy on the outside but this is what I have to deal with and have been dealing with on the inside for far too long now,” she added. “Control.”

Si Maggie Wilson ay isang TV Actress na isinilang noong March 15, 1989. Ang British-Filipino actress ay isa ding beauty queen at reality television personality. Kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nina Maggie at Victor ang kanilang paghihiwalay ngunit anila'y mananatili silang magiging magkaibigan.

Naging usap-usapan din ang cryptic post ni Maggie tungkol sa kung ano ang nagpalakas sa kanila kasunod ng paghihiwalay sila ni Victor.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel