Ivana Alawi, nagpapasalamat na hindi tinamaan ng COVID ang kapatid na si Mona

Ivana Alawi, nagpapasalamat na hindi tinamaan ng COVID ang kapatid na si Mona

- Sa kanilang pagkakaroon ng COVI, nagpapasalamat pa rin si Ivana Alawi na hindi nahawa ang bunso nilang si Mona Alawi

- Aniya, ayaw niya nang magkasakit pa si Mona dahil madami na itong dinanas sa kanyang sakit

- Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Mona ay mayroong sakit na diabetes kaya patuloy ang paggagamot nito

- Bukod sa kanya, nagpositibo din sa COVID ang kanilang ina at ang kanyang kapatid na si Hashim Alawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng masamang balitang nagpositibo siya sa COVID, nagpapasalamat pa rin si Ivana Alawi na hindi tinamaan ng COVID ang bunso nilang si Mona Alawi. Aniya, okay lang na magka-COVID sila huwag lang si Mona dahil mayroon itong iniindang sakit.

Ivana Alawi, nagpapasalamat na hindi tinamaan ng COVID ang kapatid na si Mona
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Aniya, ayaw niya nang magkasakit pa si Mona dahil madami na itong dinanas sa kanyang sakit. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Mona ay mayroong sakit na diabetes kaya patuloy ang paggagamot nito.

Read also

Mona Alawi, ipinagluto sina Ivana, Hashim at Mama Alawi na may COVID-19

“Lord, kung bibigyan Mo kami ng COVID, okay lang na ako na lang, wag na lang si Mona. Wag lang talagang si Mona kasi hindi na niya kaya. Ang dami na niyang sakit,”

Nagbhagi din ng payo si Ivana kaugnay sa pagiging responsable sakaling na-exposed sa COVID.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

, “You have to take responsibility and you have to take accountability. If you are exposed, if you are not feeling well, huwag ka nang lumabas, mag-isolate ka, magpa-test ka, kasi ang hirap talaga.”

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel