Anak ni Claire Dela Fuente sa Dacera case, nasaktan sa komentong 'deserve' mawalan ng ina

Anak ni Claire Dela Fuente sa Dacera case, nasaktan sa komentong 'deserve' mawalan ng ina

- Aminado ang anak ng yumaong "Jukebox Queen" na masakit para sa kanya ang mga natanggap na salita kaakibat ng mga akusasyon sa kanya sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera

- Isang taon makalipas ang insidente, kinumusta sila ng batikang talk show host na si Boy Abunda

- Isa sa mga naikwento ni Gigo ay ang sabihan siya na 'deserve niyang mamatayan ng ina'

- Ito raw ay karma niya sa ibinibintang na ginawa 'di umano nila kay Dacera

- Matatandaang ibinasuka na ng Makati Prosecutor's Office ang naturang kaso subalit tuloy-tuloy pa rin ito matapo na mag-apela ng kampo ni Dacera sa Department of Justice

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makalipas ang isang taon buhat ng naganap ang kontrobersyal na pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, emosyonal pa rin ang mga akusado tuwing inaaalala ang mga pangyayari at ang sinapit din nila dahil dito.

Read also

Boy Abunda, kinumusta ang mga akusado sa Dacera case: "'Di pa rin sila tapos"

Nalaman ng KAMI na isa na rito si Gigo De Guzman, ang anak ng yumaong 'Jukebox Queen' na si Claire Dela Feunte.

Anak ni Claire Dela Fuente na akusado sa Dacera case, 'di kinaya ang masasakit na mga salita
Photo from Gigo De Guzman
Source: UGC

Kaakibat kasi ng mga bintang na may kinalaman 'di umano sila sa pagkamatay ni Dacera ay ang mga masasakit na salitan maging patungkol na sa kanilang pamilya.

"It's painful to hear, you deserve this. Your mom died kasi karma mo to!" ang isa sa mga matitinding salitang pinilit na hindi na lamang sagutin ni Gigo gayung alam naman daw niyang karamihan sa mga ito ay pawang mga internet trolls.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masakit para sa kanya lalo na at alam daw niya sa kanyang sarili na sinubukan pa niyang isalba at tulungan si Dacera subalit ganoong mga salita pa ang kanyang natanggap at nadamay pa ang kanyang namayapang ina.

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Boy Abunda na siyang nangumusta sa limang akusado ng Dacera case:

Marso 30 nang gumulantang sa publiko ang biglaang pagpanaw ng isa sa mga "OPM legend" ng bansa na si Claire dela Fuente dahil sa atake sa puso. Ilang araw din itong kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 na siyang dahilan kung bakit sa ospital siya binawian ng buhay habang natutulog.

Nasangkot sa kontrobersiya ang anak nitong si Gregorio De Guzman na isa umano sa akusado sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Hanggang sa huli, patuloy niyang ipinaglalaban ang pagiging inosente ng kanyang anak sa kontrobersyal na pagkamatay ni Dacera. Mapapansin ito sa mga huling social media post ng veteran singer.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica