Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping

Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping

- Ayon kay Heart Evangelista, totoong walong luggage ang kanyang dala sa kanilang lock-in taping

- Ito ay para sa teleserye ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon kung saan makakasama niya sina Paolo Contis at Richard Yap

- Pabiro tuloy na sinabi ni Paolo na may sariling sasakyan ang mga bagahe ng maybahay ni Gov. Chiz Escudero

- Paliwanag naman ni Heart, dahil gusto niyang itodo ang kanyang effort sa kanyang teleserye kaya ganoon karami ang kanyang bitbit na gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang mediacon para sa teleserye ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon, inamin ni Heart Evangelista na walong luggage ang kanyang dala sa lock-in taping niya sa teleserye kung saan makakasama niya sina Paolo Contis at Richard Yap.

Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Sa isang ulat ng GMA news, tinodo na raw ni Heart ang pagiging fashionista niya bilang si Celeste Estrellado sa “I Left My Heart in Sorsogon.”

“May sariling sasakyan!” ani Paolo sa 8 luggage ni Heart.

“Yeah, kasi hindi talaga kaya,” pag-amin naman ni Heart. “Sabi ko kasi, if I’m gonna do it ayaw ko ng half take. I really wanna go all out.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya pa, ito na raw ang tamang panahon para magamit at mairampa niya ang mga damit at accessories na nasa closet niya kabilang na ang mga ibinigay sa kanya ng mga kaibigang fashion designers.

Samantala sa isang ulat naman ng Brigada News, nilinaw ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang tungkol sa isyu tungkol sa umano'y perang nagastos ng lalawigan para sa nasabing teleserye.

Bigating mga personalidad ang nagpakita ng kanilang suporta sa bagong serye ni Heart kagaya nina Brandon Boyd at Christian Louboutin na nauna nang iniulat ng The Manila Times.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel