Heart Evangelista, sinabing posibleng huling serye na niya ang ‘I Left My Heart in Sorsogon'

Heart Evangelista, sinabing posibleng huling serye na niya ang ‘I Left My Heart in Sorsogon'

- Nabanggit ni Heart Evangelista na maaring ang seryeng I Left My Heart in Sorsogon ay magiging huling serye niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Gayunpaman, nilinaw niyang hidi naman siya titigil kundi mag-iiba lang ang focus ng kanyang career

- Ito ang comeback project ni Heart sa GMA-7 matapos ang huling serye niya apat na taon na ang nakakalipas

- Pagbabahagi pa ni Heart, talagang itinodo niya ang kanyang effort sa nasabing serye dahil maaring ito na nga ang huling serye niya

Sa mediacon ng GMA-7 teleserye na I Left My Heart in Sorsogon, nabanggit ni Heart Evangelista na maaring ito na ang kanyang huling serye na gagawin. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi naman siya titigil ngunit mag-iiba lamang ang anggulo ng kanyang career.

Heart Evangelista, sinabing posibleng huling serye na niya ang ‘I Left My Heart in Sorsogon
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping

“Not naman taking a break, just prioritizing a different angle to my career, I guess in a way

Aniya, sa tingin niya ay matagal na rin naman siyang nagtatrabaho kaya sa tingin niya ay kailangan niya rin ng kaunting 'breather' ngunit hindi naman umano siya aalis. Magiging aktibo pa rin siya sa kanyang pagbabahagi sa social media at mayroon lang umano siyang ibang bagay na kanyangn tututukan.

Nakatakdang ipalabas ang teleseryeng “I Left My Heart in Sorsogon” simula sa Nov. 15 sa GMA Telebabad ng GMA-7. Ilan sa mga artistang makakasama ni Heart sa naturang serye ay sina Paolo Contis, Richard Yap, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Michelle Dee at marami pang iba. Si Mark Sicat dela Cruz ang direktor ng seryeng ito.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel